[ Kerry Marshall On Museums ]
Pagpasok mo sa museo, tapos
yung pagkakagawa nito--
lalo na yung museo na pang buong mundo
ang koleksiyon,
yung pagpasok pa lang ang bubungad
ay ang malikhain mundo
ng kasaysayan at mga lumang koleksiyon.
Pagkatapos pag akyat mo ng hagdan
pagpunta mo...
makikita naman yung gawa noong
kalagitnaang panahon sa Europa.
At magpapatuloy sa panahon ng
ika-14 na siglo at ika-15 siglo,
ika-16 na siglo, ika-17 siglo,
ika-18 siglo, at ika-19 na siglo.
Lahat ng mga nandoon ay
kahanga-hanga na bagay.
Lahat ay maganda. Lahat ay nagustuhan
namin.
Maninibago ka...
Sa isang punto makikita mo yung
kakulangan mo sa isang mundo
na nakakagawa ng ganitong klase ng
salaysay ng kasaysayan.
Madalas nakakalimutan natin na ganito
yung pagkakagawa ng isang art.
Katulad ng mga taong gumagawa...
at iyon yung mga taong gumagawa ng
kahanga-hanga na mga bagay...
Alam niyo, lahat sila ay mga
taga Europa.
Lahat sila mga taga Europa.
At kelan lang may mga ibang
tao na nakapunta?
Yun ay pagkatapos lamang sila pangunahan
at gawin kolonisado ng mga taga Europa.
Ano ang ginawa nila?
Ginawa nila kung ano ang ginagawa ng mga
taga Europa.
Kung may mas marami lang na institusyon
tulad ng Museum of Modern Art,
tulad ng Whitney Museum, ng Metropolitan
Museum--
kung mas marami ang institusyon na
sinisigaw ang tao makapasok
na pinapalakad ng mga Itim na tao
at ng Tsino at ng lahat,
hindi na ito magiging usapin pa.
Naging usapin lang naman ito dahil may
nag iisang institusyon lang
na kinikilala ng lahat na gumagawa
ng pinakamagaling,
pero alam mo hindi ikaw
ang may kontrol dito,
kaya patuloy ka magtatanong sa mga taong
may kontol na papasukin ka.