Ilang bilyong taon nang nasa paligid
ang mga bagay na namumuhay
at mananatili pa ang mga ito nang matagal.
Sa mundo ng namumuhay, walang tambakan.
Sa halip, dumadaloy ang mga bagay.
Ang basura ng isang specie
ay pagkain naman ng iba;
ang araw ang nagbibigay ng enerhiya;
tumutubo ang mga bagay, at namamatay;
at ligtas na bumabalik sa lupa
ang mga sustansiya.
At gumagana ito.
Ngunit, bilang mga tao,
pinairal natin ang linear na paraan:
tayo ay kumukuha, gumagawa, at nagtatapon.
May bagong phone na inilabas.
Kaya ibabasura natin ang luma.
Nasira ang ating washing machine.
Kaya bibili tayo ng bago.
Tuwing ginagawa natin ito,
nalulustay ang limitadong suplay ng yaman
at kadalasang nagdudulot
ng mapanirang basura.
Tahasang 'di ito maaaring pangmatagalan.
Kaya ano ang puwede?
Kung tanggap nating gumagana
ang cyclical model ng mundo ng namumuhay,
puwede ba nating baguhin ang pananaw natin
para mamuhay rin tayo
sa isang sirkular na ekonomiya?
Simulan natin sa biological cycle.
Paano makakabuo ng kapital
ang ating basura sa halip na bawasan ito?
Sa muling pag-aaral at muling pagdidisenyo
ng mga produkto at piyesa
at ng kasama nitong pambalot,
makagagawa tayo ng ligtas
at nako-compost na materyales
na tutulong sa paglago ng maraming bagay.
Gaya ng sinasabi sa mga pelikula,
"Walang nasirang yaman
sa paggawa ng materyal na ito."
Paano naman ang mga washing machine,
cell phone, ref?
Alam nating hindi ito biodegradable.
Isa pang uri ng pag-aaral
ang pinag-uusapan natin dito: