Ilang bilyong taon nang nasa paligid ang mga bagay na namumuhay at mananatili pa ang mga ito nang matagal. Sa mundo ng namumuhay, walang tambakan. Sa halip, dumadaloy ang mga bagay. Ang basura ng isang specie ay pagkain naman ng iba; ang araw ang nagbibigay ng enerhiya; tumutubo ang mga bagay, at namamatay; at ligtas na bumabalik sa lupa ang mga sustansiya. At gumagana ito. Ngunit, bilang mga tao, pinairal natin ang linear na paraan: tayo ay kumukuha, gumagawa, at nagtatapon. May bagong phone na inilabas. Kaya ibabasura natin ang luma. Nasira ang ating washing machine. Kaya bibili tayo ng bago. Tuwing ginagawa natin ito, nalulustay ang limitadong suplay ng yaman at kadalasang nagdudulot ng mapanirang basura. Tahasang 'di ito maaaring pangmatagalan. Kaya ano ang puwede? Kung tanggap nating gumagana ang siklikong modelo ng mundo ng namumuhay, puwede ba nating baguhin ang pananaw natin para mamuhay rin tayo sa isang sirkular na ekonomiya? Simulan natin sa biyolohikong siklo. Paano makakabuo ng kapital ang ating basura sa halip na bawasan ito? Sa muling pag-aaral at muling pagdidisenyo ng mga produkto at piyesa at ng kasama nitong pambalot, makakagawa tayo ng ligtas at nako-compost na materyales na tutulong sa paglago ng maraming bagay. Gaya ng sinasabi sa mga pelikula, "