Ilang bilyong taon nang nasa paligid
ang mga bagay na namumuhay
at mananatili pa ang mga ito nang matagal.
Sa mundo ng namumuhay, walang agsaman.
Sa halip, dumadaloy ang mga bagay.
Ang tapon ng isang espesye
ay pagkain naman ng iba;
ang araw ang nagbibigay ng enerhiya;
tumutubo ang mga bagay, at namamatay;
at ligtas na bumabalik sa lupa
ang mga sustansiya.
At gumagana ito.
Ngunit, bilang mga tao,
pinairal natin ang linear na paraan:
tayo ay kukuha, gagawa, at itatapon.
May bagong phone na inilabas.
Kaya ibabasura natin ang luma.
Nasira ang ating washing machine.
Kaya bibili tayo ng bago.
Tuwing ginagawa natin ito,
nalulustay ang limitadong suplay ng yaman
at kadalasang nagdudulot
ng mapanirang basura.
Lantayang 'di ito maaari na pangmatagalan.
Kaya ano ang puwede?
Kung tanggap nating gumagana ang siklikong
modelo ng mundo ng namumuhay,
puwede ba nating baguhin ang pananaw natin
para mamuhay rin tayo
sa isang sirkular na ekonomiya?
Simulan natin sa biyolohikong siklo.