Ilang bilyong taon nang nasa paligid ang mga bagay na namumuhay at mananatili pa ang mga ito nang matagal. Sa mundo ng namumuhay, walang agsaman. Sa halip, dumadaloy ang mga bagay. Ang tapon ng isang espesye ay pagkain naman ng iba; ang araw ang nagbibigay ng enerhiya; tumutubo ang mga bagay, at namamatay; at ligtas na bumabalik sa lupa ang mga sustansiya. At gumagana ito. Ngunit, bilang mga tao, pinairal natin ang linear na paraan: tayo ay kukuha, gagawa, at itatapon. May bagong phone na inilabas. Kaya ibabasura na natin ang luma. Nasira ang ating washing machine. Kaya bibili tayo ng bago. Tuwing ginagawa natin ito, nalulustay ang limitadong suplay ng yaman at kadalasang nagdudulot ng mapanirang basura. Lantayang 'di ito maaari na pangmatagalan. Kaya ano ang puwede?