Ilang bilyong taon nang nasa paligid
ang mga bagay na namumuhay
at mananatili pa ang mga ito nang matagal.
Sa mundo ng namumuhay, walang tambakan.
Sa halip, dumadaloy ang mga bagay.
Ang basura ng isang specie
ay pagkain naman ng iba;
ang araw ang nagbibigay ng enerhiya;
tumutubo ang mga bagay, at namamatay;
at ligtas na bumabalik sa lupa
ang mga sustansiya.
At gumagana ito.
Ngunit, bilang mga tao,
pinairal natin ang linear na paraan:
tayo ay kumukuha, gumagawa, at nagtatapon.
May bagong phone na inilabas.
Kaya ibabasura natin ang luma.
Nasira ang ating washing machine.
Kaya bibili tayo ng bago.
Tuwing ginagawa natin ito,
nalulustay ang limitadong suplay ng yaman
at kadalasang nagdudulot
ng mapanirang basura.
Tahasang hindi ito maaaring pangmatagalan.
Kaya ano ang puwede?
Kung tanggap nating gumagana
ang cyclical model ng mundo ng namumuhay,
puwede ba nating baguhin ang pananaw natin
para mamuhay rin tayo
sa isang sirkular na ekonomiya?
Simulan natin sa biological cycle.
Paano makakabuo ng kapital
ang ating basura sa halip na bawasan ito?
Sa muling pag-aaral at muling pagdidisenyo
ng mga produkto at piyesa
at ng kasama nitong pambalot,
makagagawa tayo ng ligtas
at nako-compost na materyales
na tutulong sa paglago ng maraming bagay.
Gaya ng sinasabi sa mga pelikula,
"Walang nasirang yaman
sa paggawa ng materyal na ito."
Paano naman ang mga washing machine,
mobile phone, ref?
Alam nating hindi ito biodegradable.
Isa pang uri ng muling pag-aral
ang pinag-uusapan natin dito:
isang paraan para i-cycle
ang mahahalagang metal,
polymer at alloy,
upang mapanatili ang kanilang kalidad
at patuloy na magamit
nang lampas pa sa shelf life
ng kanya-kanyang produkto.
Ano kaya kung ang mga produkto ngayon
ay maging yaman ng hinaharap?
Mayroon itong commercial sense.
Sa halip ng nakaugalian nating
kultura ng pagtapon at pagpalit,
paiiralin natin ang pagbalik at pagpatuloy
kung saan dinisenyo ang mga produkto
at piyesa para makalas at mabuong muli.
Isang solusyon marahil ang muling pag-aral
sa pananaw natin sa pagmamay-ari.
Ano kaya kung di natin aktuwal
na ariin ang ating teknolohiya?
Lilisensiyahan lang natin ito
mula sa mga manufacturer.
Ngayon, pagsamahin natin
ang dalawang cycle na ito.
Isipin natin kung makapagdidisenyo tayo
ng mga produktong babalik sa gumawa nito,
muling magagamit
ang teknikal na materyales nito,
at nagpapataas sa agrikultural na halaga
ang biological parts nito.
At isipin natin na ginawa at ibiniyahe
ang mga produktong ito
gamit ang renewable energy.
Dito may modelo tayong
bumubuo ng kasaganaan na pangmatagalan.
At ang magandang balita ay
may mga kompanya nang
nagsisimulang pairalin
ang ganitong pamamaraan.
Pero ang sirkular na ekonomiya
ay hindi tungkol sa pagbago
ng isang produkto ng isang manufacturer.
Ito ay tungkol
sa lahat ng magkakaugnay na kompanya
na bumubuo sa ating impraestruktura
at ekonomiya
na nagsasama-sama.
Ito ay tungkol sa enerhiya.
Ito ay tungkol sa muling pag-aaral
ng mismong sistema ng paggawa.
Mayroon tayong napakagandang oportunidad
para magbukas ng mga bagong perspektiba
at mga bagong simulain.
Sa halip na manatiling bitag
sa mga kabiguan ng kasalukuyan,
gamit ang pagkamalikhain at innovation,
totoong muling mapag-aaralan
at muling madidisenyo natin
ang ating kinabukasan.