1 00:00:00,757 --> 00:00:04,708 Ilang bilyong taon nang nasa paligid ang mga bagay na namumuhay 2 00:00:04,708 --> 00:00:06,914 at mananatili pa ang mga ito nang matagal. 3 00:00:07,413 --> 00:00:10,045 Sa mundo ng namumuhay, walang tambakan. 4 00:00:10,225 --> 00:00:12,638 Sa halip, dumadaloy ang mga bagay. 5 00:00:12,838 --> 00:00:15,541 Ang basura ng isang specie ay pagkain naman ng iba; 6 00:00:15,541 --> 00:00:17,732 ang araw ang nagbibigay ng enerhiya; 7 00:00:17,732 --> 00:00:19,712 tumutubo ang mga bagay, at namamatay; 8 00:00:19,712 --> 00:00:22,997 at ligtas na bumabalik sa lupa ang mga sustansiya. 9 00:00:23,787 --> 00:00:25,606 At gumagana ito. 10 00:00:26,081 --> 00:00:27,336 Ngunit, bilang mga tao, 11 00:00:27,336 --> 00:00:29,596 pinairal natin ang linear na paraan: 12 00:00:29,596 --> 00:00:32,666 tayo ay kumukuha, gumagawa, at nagtatapon. 13 00:00:33,167 --> 00:00:35,092 May bagong phone na inilabas. 14 00:00:35,092 --> 00:00:36,946 Kaya ibabasura natin ang luma. 15 00:00:37,196 --> 00:00:39,184 Nasira ang ating washing machine. 16 00:00:39,184 --> 00:00:40,701 Kaya bibili tayo ng bago. 17 00:00:41,271 --> 00:00:45,847 Tuwing ginagawa natin ito, nalulustay ang limitadong suplay ng yaman 18 00:00:45,847 --> 00:00:48,588 at kadalasang nagdudulot ng mapanirang basura. 19 00:00:48,751 --> 00:00:51,555 Tahasang di ito maaaring pangmatagalan. 20 00:00:52,652 --> 00:00:54,265 Kaya ano ang puwede? 21 00:00:54,901 --> 00:00:59,222 Kung tanggap nating gumagana ang cyclical model ng mundo ng namumuhay, 22 00:00:59,222 --> 00:01:01,930 puwede ba nating baguhin ang pananaw natin 23 00:01:01,930 --> 00:01:05,667 para mamuhay rin tayo sa isang sirkular na ekonomiya? 24 00:01:06,296 --> 00:01:08,698 Simulan natin sa biological cycle. 25 00:01:09,339 --> 00:01:13,734 Paano makakabuo ng kapital ang ating basura sa halip na bawasan ito? 26 00:01:14,062 --> 00:01:17,805 Sa muling pag-aaral at muling pagdidisenyo ng mga produkto at piyesa 27 00:01:17,805 --> 00:01:19,776 at ng kasama nitong pambalot, 28 00:01:19,776 --> 00:01:23,408 makagagawa tayo ng ligtas at nako-compost na materyales 29 00:01:23,408 --> 00:01:25,540 na tutulong sa paglago ng maraming bagay. 30 00:01:26,272 --> 00:01:27,925 Gaya ng sinasabi sa mga pelikula, 31 00:01:27,925 --> 00:01:31,399 "Walang nasirang yaman sa paggawa ng materyal na ito." 32 00:01:32,352 --> 00:01:36,125 Paano naman ang mga washing machine, cell phone, ref? 33 00:01:36,431 --> 00:01:38,619 Alam nating hindi ito biodegradable. 34 00:01:39,036 --> 00:01:42,344 Isa pang uri ng muling pag-aral ang pinag-uusapan natin dito: 35 00:01:42,344 --> 00:01:45,047 isang paraan para i-cycle ang mahahalagang metal, 36 00:01:45,047 --> 00:01:46,714 polymer at alloy, 37 00:01:46,714 --> 00:01:48,538 upang mapanatili ang kanilang kalidad 38 00:01:48,538 --> 00:01:50,065 at patuloy na magamit 39 00:01:50,065 --> 00:01:53,554 nang lampas pa sa shelf life ng kanya-kanyang produkto. 40 00:01:54,490 --> 00:01:58,681 Ano kaya kung ang mga produkto ngayon ay maging yaman ng hinaharap? 41 00:01:58,898 --> 00:02:00,843 Mayroon itong commercial sense. 42 00:02:01,419 --> 00:02:05,331 Sa halip ng nakaugalian nating kultura ng pagtapon at pagpalit, 43 00:02:05,331 --> 00:02:08,107 paiiralin natin ang pagbalik at pagpatuloy 44 00:02:08,107 --> 00:02:13,177 kung saan dinisenyo ang mga produkto at piyesa para makalas at mabuong muli. 45 00:02:13,857 --> 00:02:18,642 Isang solusyon marahil ang muling pag-aral sa pananaw natin sa pagmamay-ari. 46 00:02:19,354 --> 00:02:22,264 Ano kaya kung di natin aktuwal na ariin ang ating teknolohiya? 47 00:02:22,264 --> 00:02:25,597 Lilisensiyahan lang natin ito mula sa mga manufacturer. 48 00:02:26,197 --> 00:02:29,490 Ngayon, pagsamahin natin ang dalawang cycle na ito. 49 00:02:29,809 --> 00:02:33,691 Isipin natin kung makapagdidisenyo tayo ng mga produktong babalik sa gumawa nito, 50 00:02:33,691 --> 00:02:36,369 muling magagamit ang teknikal na materyales nito, 51 00:02:36,369 --> 00:02:40,609 at nagpapataas sa agrikultural na halaga ang biological parts nito. 52 00:02:41,046 --> 00:02:44,567 At isipin natin na ginawa at ibiniyahe ang mga produktong ito 53 00:02:44,567 --> 00:02:46,674 gamit ang renewable energy. 54 00:02:46,834 --> 00:02:50,864 Dito may modelo tayong bumubuo ng kasaganaan na pangmatagalan. 55 00:02:50,864 --> 00:02:52,351 At ang magandang balita ay 56 00:02:52,351 --> 00:02:54,577 may mga kompanya nang 57 00:02:54,577 --> 00:02:57,394 nagsisimulang pairalin ang ganitong pamamaraan. 58 00:02:57,904 --> 00:03:03,116 Pero ang sirkular na ekonomiya ay di tungkol sa pagbago ng isang produkto ng isang manufacturer. 59 00:03:03,511 --> 00:03:08,151 Ito ay tungkol sa lahat ng magkakaugnay na kompanya na bumubuo sa ating impraestruktura 60 00:03:08,151 --> 00:03:09,203 at ekonomiya 61 00:03:09,203 --> 00:03:10,643 na nagsasama-sama. 62 00:03:10,958 --> 00:03:12,545 Ito ay tungkol sa enerhiya. 63 00:03:12,817 --> 00:03:16,987 Ito ay tungkol sa muling pag-aaral ng mismong sistema ng paggawa. 64 00:03:18,481 --> 00:03:24,048 Mayroon tayong napakagandang oportunidad para magbukas ng mga bagong perspektiba at mga bagong simulain. 65 00:03:24,367 --> 00:03:27,947 Sa halip na manatiling bitag sa mga kabiguan ng kasalukuyan, 66 00:03:27,947 --> 00:03:30,700 gamit ang pagkamalikhain at innovation, 67 00:03:30,700 --> 00:03:35,721 totoong muling mapag-aaralan at muling madidisenyo natin ang ating kinabukasan.