Ilang bilyong taon nang nasa paligid ang mga bagay na namumuhay at mananatili pa ang mga ito nang matagal. Sa mundo ng namumuhay, walang tambakan. Sa halip, dumadaloy ang mga bagay. Ang basura ng isang specie ay pagkain naman ng iba; ang araw ang nagbibigay ng enerhiya; tumutubo ang mga bagay, at namamatay; at ligtas na bumabalik sa lupa ang mga sustansiya. At gumagana ito. Ngunit, bilang mga tao, pinairal natin ang linear na paraan: tayo ay kumukuha, gumagawa, at nagtatapon. May bagong phone na inilabas. Kaya ibabasura natin ang luma. Nasira ang ating washing machine. Kaya bibili tayo ng bago. Tuwing ginagawa natin ito, nalulustay ang limitadong suplay ng yaman at kadalasang nagdudulot ng mapanirang basura. Tahasang di ito maaaring pangmatagalan. Kaya ano ang puwede? Kung tanggap nating gumagana ang cyclical model ng mundo ng namumuhay, puwede ba nating baguhin ang pananaw natin para mamuhay rin tayo sa isang sirkular na ekonomiya? Simulan natin sa biological cycle. Paano makakabuo ng kapital ang ating basura sa halip na bawasan ito? Sa muling pag-aaral at muling pagdidisenyo ng mga produkto at piyesa at ng kasama nitong pambalot, makagagawa tayo ng ligtas at nako-compost na materyales na tutulong sa paglago ng maraming bagay. Gaya ng sinasabi sa mga pelikula, "Walang nasirang yaman sa paggawa ng materyal na ito." Paano naman ang mga washing machine, cell phone, ref? Alam nating hindi ito biodegradable. Isa pang uri ng muling pag-aral ang pinag-uusapan natin dito: isang paraan para i-cycle ang mahahalagang metal, polymer at alloy, upang mapanatili ang kanilang kalidad at patuloy na magamit nang lampas pa sa shelf life ng kanya-kanyang produkto. Ano kaya kung ang mga produkto ngayon ay maging yaman ng hinaharap? Mayroon itong commercial sense. Sa halip ng nakaugalian nating kultura ng pagtapon at pagpalit, paiiralin natin ang pagbalik at pagpatuloy kung saan dinisenyo ang mga produkto at piyesa para makalas at mabuong muli. Isang solusyon marahil ang muling pag-aral sa pananaw natin sa pagmamay-ari. Ano kaya kung di natin aktuwal na ariin ang ating teknolohiya? Lilisensiyahan lang natin ito mula sa mga manufacturer. Ngayon, pagsamahin natin ang dalawang cycle na ito. Isipin natin kung makapagdidisenyo tayo ng mga produktong babalik sa gumawa nito, muling magagamit ang teknikal na materyales nito, at nagpapataas sa agrikultural na halaga ang biological parts nito. At isipin natin na ginawa at ibiniyahe ang mga produktong ito gamit ang renewable energy. Dito may modelo tayong bumubuo ng kasaganaan na pangmatagalan. At ang magandang balita ay may mga kompanya nang nagsisimulang pairalin ang ganitong pamamaraan. Pero ang sirkular na ekonomiya ay di tungkol sa pagbago ng isang produkto ng isang manufacturer. Ito ay tungkol sa lahat ng magkakaugnay na kompanya na bumubuo sa ating impraestruktura at ekonomiya na nagsasama-sama. Ito ay tungkol sa enerhiya. Ito ay tungkol sa muling pag-aaral ng mismong sistema ng paggawa. Mayroon tayong napakagandang oportunidad para magbukas ng mga bagong perspektiba at mga bagong simulain. Sa halip na manatiling bitag sa mga