Napakahusay ng ginawa niyo mga scientist, napansin
natin na kapag mas marami ang mga monster
sa screen, ang virus ay kumakalat nang mas mabilis.
Napansin din natin na
kapag ang mga monster ay naka-mask,
ang panganib ng transmisyon ay bumababa.
At naobserbahan natin na ang pinakamabilis na
paraan upang pigilan ang pagkalat ng virus
ay ang bakunahan ang lahat ng monster.
Ang "print block" ay nagdidisplay
ng text sa screen
habang tumatakbo ang iyong simulation.
Gamitin ito para magbahagi ng rekomendasyon
upang mapanatiling malusog ang lahat ng monster
kapag may virus na dumating sa bayan.
Maaari mo ring ibahagi ang iyong trabaho
sa mga kaibigan at pamilya
sa pamamagitan ng pagklik ng "share button".
Nakagawa ka na ng sarili mong
public health simulation
gamit ang computer science.
Sana'y naging masaya ka at hindi na ako
makapaghintay kung ano ang susunod mong gagawin.