Hindi ito pagsasanay. Ang pangalan ko ay Greta Thunberg. Nabubuhay kami sa simula ng isang malawakang pagkalipol. Ang ating klima ay bumibigay. Mga bata katulad ko ay sumusuko na sa kanilang pag-aaral para mag protesta. Subalit maaayos pa natin ito. Maaayos mo pa ito. Para makaligtas, kailangan natin tumigil sa pagsunog sa mga fossil fuels. Pero hindi ito sapat. Maraming pinag-uusapan na solusyon. Pero paano naman ang solusyon na nasa harap na natin? Hahayaan kong ipaliwag ito ng aking kaibigan na si George. Mayroong isang mahikong makina na hinihigop ang carbon sa hangin mura at nabubuo mag-isa. Ito ay tinatawag na... puno. Ang puno ay ang halimbawa ng isang naturang solusyon sa klima. Bakawan, peat bogs, gubat, marshes, sea beds, kelp forests, swamps, coral reefs, kinukuha nila ang carbon sa hangin at hindi na ibinabalik. Ang kalikasan ay magagamit natin upang ayusin ang ating sirang klima. Ang mga natural na solusyon na ito sa klima ay makakagawa ng malaking pagbabago. Sobrang angas, 'no? Pero 'yun lang ay kung hahayan natin ang fossil fuels sa lupa. Ito ang nakakabaliw na parte... ngayon ay hindi natin sila pinapansin. Gumagastos tayo ng mas marami sa 1000 times sa subsidiya ng global fossil fuels kaysa sa natural na mga solusyon. Ang mga natural na solusyon sa klima ay nakakakuha lamang ng 2% sa lahat ng ginamit na pera sa pagsugpo sa pagkasira ng klima. Pera mo ito. Buwis mo ito at kita. Ang mas nakakabaliw ngayon ay mas kailangan natin ng kalikasan ay mas bumibilis ang pagsira natin dito Umaabot sa 200 species ang unti-unting nauubos araw-araw. Marami sa arctice ice ay wala na. Ang mga mababangis na hayop ay nawala na. Maraming soil ang nawala. Kaya ano ang dapat nating gawin? Ano ang dapat MONG gawin? Ito ay simple... Kailangan natin PROTEKTA IBALIK at PONDO. PRTOTEKTAHAN Ang mga tropikal na kagubatan ay pinuputol sa bilis na 30 football pitch sa isang minuto. Kung saan ang Kalikasan ay may importanteng ginagawa kailangan natin itong protektahan. IBALIK Marami sa planeta natin ang napinsala. Subalit kaya itong ibalik ng Kalikasan at matutulungan natin ang ecosystem na bumalik. PONDO Kailangan natin tumigil sa pag pondo sa mga bagay na nakakasira sa kalikasan at bayaran ang mga bagay na nakakatulong dito, Ganun lang ka-simple PROTEKTA IBALIK PONDO Maaari itong mangyari kahit saan: Maraming tao ang nagsimula ng gumamit ng mga natural na solution sa klima. Kailangan nating gawin ito sa isang napakalaking sukat. Maaari kang maging parte nito. BUMOTO sa mga taong nagtatanggol sa kalikasan. IPAMAHAGI mo ang video na ito. Pag-usapan ito. Sa buong mundo maraming magagandang paggalaw ipaglaban ang kalikasan. SUMALI ka sa kanila, Lahat ay nabibilang. Kung ano ang ginawa mo, bilang iyan. [ANG FILM NA ITO AY GALING SA RECYCLED FOOTAGE] [WALANG FLIGHTS AND ZERO NET CARBON] [INGATAN & GAMITIN ULIT]