Hindi ito pagsasanay.
Ang pangalan ko ay Greta Thunberg.
Nabubuhay kami sa simula
ng isang malawakang pagkalipol.
Ang ating klima ay bumibigay.
Mga bata katulad ko ay sumusuko na sa
kanilang pag-aaral para mag protesta.
Subalit maaayos pa natin ito.
Maaayos mo pa ito.
Para makaligtas, kailangan natin tumigil
sa pagsunog sa mga fossil fuels.
Pero hindi ito sapat.
Maraming pinag-uusapan na solusyon.
Pero paano naman ang solusyon na
nasa harap na natin?
Hahayaan kong ipaliwag ito ng aking
kaibigan na si George.
Mayroong isang mahikong makina na
hinihigop ang carbon sa hangin
mura
at nabubuo mag-isa.
Ito ay tinatawag na...
puno.
Ang puno ay ang halimbawa ng isang
naturang solusyon sa klima.
Bakawan, peat bogs, gubat,
marshes, sea beds,
kelp forests, swamps, coral reefs,
kinukuha nila ang carbon sa hangin
at hindi na ibinabalik.
Ang kalikasan ay magagamit natin upang
ayusin ang ating sirang klima.
Ang mga natural na solusyon na ito sa
klima ay makakagawa ng malaking pagbabago.
Sobrang angas, 'no?
Pero 'yun lang ay kung hahayan natin ang
fossil fuels sa lupa.
Ito ang nakakabaliw na parte...
ngayon ay hindi natin sila pinapansin.
Gumagastos tayo ng mas marami sa 1000
times sa subsidiya ng global fossil fuels
kaysa sa natural na mga solusyon.
Ang mga natural na solusyon sa
klima ay nakakakuha lamang ng 2%
sa lahat ng ginamit na pera sa pagsugpo
sa pagkasira ng klima.
Pera mo ito.
Buwis mo ito at kita.
Ang mas nakakabaliw
ngayon ay mas kailangan natin ng kalikasan
ay mas bumibilis ang pagsira natin dito
Umaabot sa 200 species ang unti-unting
nauubos araw-araw.
Marami sa arctice ice ay wala na.
Ang mga mababangis
na hayop ay nawala na.
Maraming soil ang nawala.
Kaya ano ang dapat nating gawin?
Ano ang dapat MONG gawin?
Ito ay simple...
Kailangan natin
PROTEKTA
IBALIK
at PONDO.
PRTOTEKTAHAN
Ang mga tropikal na kagubatan ay pinuputol
sa bilis na 30 football pitch sa
isang minuto.
Kung saan ang Kalikasan ay may
importanteng ginagawa
kailangan natin itong protektahan.
IBALIK
Marami sa planeta natin ang napinsala.
Subalit kaya itong ibalik ng Kalikasan
at matutulungan natin ang ecosystem
na bumalik.
PONDO
Kailangan natin tumigil sa pag pondo sa
mga bagay na nakakasira sa kalikasan
at bayaran ang mga bagay na
nakakatulong dito,
Ganun lang ka-simple
PROTEKTA
IBALIK
PONDO
Maaari itong mangyari
kahit saan:
Maraming tao ang nagsimula ng gumamit ng
mga natural na solution sa klima.
Kailangan nating gawin ito sa isang
napakalaking sukat.
Maaari kang maging parte nito.
BUMOTO sa mga taong nagtatanggol
sa kalikasan.
IPAMAHAGI mo ang video na ito.
Pag-usapan ito.
Sa buong mundo
maraming magagandang paggalaw
ipaglaban ang kalikasan.
SUMALI ka sa kanila,
Lahat ay nabibilang.
Kung ano ang ginawa mo, bilang iyan.
[ANG FILM NA ITO AY GALING SA RECYCLED
FOOTAGE]
[WALANG FLIGHTS
AND ZERO NET CARBON]
[INGATAN
& GAMITIN ULIT]