0:00:00.000,0:00:04.000 Ito ang mismong pangyayari 0:00:04.000,0:00:09.000 nang naisip kong lumikha ng tinatawag na Tinkering School. 0:00:09.000,0:00:13.000 Ang Tinkering School ay isang lugar kung saan ang mga bata ay maaaring gumamit ng tingting na kahoy 0:00:13.000,0:00:17.000 at martilyo at iba pang mapanganib na bagay, 0:00:17.000,0:00:19.000 at mapagkatiwalaan. 0:00:19.000,0:00:21.000 Pinagkakatiwalaan na hindi sasaktan ang sarili, 0:00:21.000,0:00:25.000 at pinagkakatiwalaang hindi makakasakit ng iba. 0:00:25.000,0:00:28.000 Walang sinusundang curriculum ang Tinkering School, 0:00:28.000,0:00:30.000 at walang mga pagsusulit. 0:00:30.000,0:00:34.000 Wala kaming sinusubukang ituro na anumang partikular na bagay. 0:00:34.000,0:00:37.000 Pagdating ng mga bata 0:00:37.000,0:00:39.000 nakatambad ang iba't ibang klase ng kagamitan: 0:00:39.000,0:00:43.000 mga kahoy at pako at lubid at gulong, 0:00:43.000,0:00:48.000 at maraming kasangkapan, mga totoong kagamitan. 0:00:48.000,0:00:53.000 Ito ay isang karanasan para sa mga bata sa loob ng anim na araw. 0:00:53.000,0:00:57.000 Sa ganitong paraan, nabibigyan namin ang mga bata ng panahon -- 0:00:57.000,0:01:00.000 isang bagay na tila kulang na ngayon 0:01:00.000,0:01:03.000 dahil sa dami ng kanilang gawain. 0:01:03.000,0:01:06.000 Layunin namin na sa pag-alis nila 0:01:06.000,0:01:08.000 lumawak ang kanilang pag-unawa sa paggawa 0:01:08.000,0:01:11.000 higit pa sa noong sila'y unang dumating, 0:01:11.000,0:01:14.000 at ang pagtanto 0:01:14.000,0:01:18.000 na may kaalamang nakukuha sa pamamagitan ng pagkalikot. 0:01:18.000,0:01:23.000 Gayunman ... walang bagay na natutupad ayon sa napagplanuhan. 0:01:23.000,0:01:25.000 (Tawanan) 0:01:25.000,0:01:27.000 At maaga nilang natututunan 0:01:27.000,0:01:31.000 na lahat ng proyekto ay nabubulilyaso -- 0:01:31.000,0:01:32.000 (Tawanan) 0:01:32.000,0:01:34.000 at madaling nilang natatanggap na bawat hakbang 0:01:34.000,0:01:37.000 sa isang proyekto ay hakbang tungo 0:01:37.000,0:01:40.000 sa matamis na tagumpay, 0:01:40.000,0:01:44.000 o sa nakakatuwang kasawiangpalad. 0:01:44.000,0:01:48.000 Nagsisimula kami mula sa mga doodles at pagguhit. 0:01:48.000,0:01:51.000 At minsan gumagawa kami ng totoong disenyo. 0:01:51.000,0:01:55.000 At minsan agad kaming nagbubuo. 0:01:55.000,0:01:58.000 Ang paggawa ay nasa puso ng karanasang ito: 0:01:58.000,0:02:01.000 gawa ng sariling kamay, 0:02:01.000,0:02:05.000 at ganap na nakatutok sa napiling suliranin. 0:02:05.000,0:02:08.000 Kami ni Robin, bilang katuwang at katulong, 0:02:08.000,0:02:10.000 sinisiguro namin na ang direksyon ng mga proyekto 0:02:10.000,0:02:13.000 ay upang matapos ito. 0:02:13.000,0:02:16.000 Ang tagumpay ay nasa paggawa, 0:02:16.000,0:02:19.000 at ang pagkabigo ay pinagdiriwang at sinisiyasat. 0:02:19.000,0:02:22.000 Ang mga suliranin ay nagiging palaisipan 0:02:22.000,0:02:26.000 at nawawala ang mga balakid. 0:02:26.000,0:02:28.000 Kapag nahaharap sa matinding 0:02:28.000,0:02:30.000 dagok o sa masalimuot na balakid, 0:02:30.000,0:02:35.000 isang nakakatuwang ugali ang kusang lumalabas: paglalagay ng dekorasyon. 0:02:35.000,0:02:38.000 (Tawanan) 0:02:38.000,0:02:40.000 Ang pagpapalamuti sa proyektong hindi natapos 0:02:40.000,0:02:44.000 ay gaya ng isang limliman ng mga konsepto. 0:02:44.000,0:02:47.000 Sa paghinto nagmumula ang mga bagong pananaw 0:02:47.000,0:02:50.000 at kahanga-hangang pamamaraan sa paglutas ng mga suliranin 0:02:50.000,0:02:55.000 na dati'y humahadlang sa kanila. 0:02:55.000,0:03:00.000 Lahat ng materyales ay maaring gamitin. 0:03:00.000,0:03:06.000 Kahit pa ang mga nakamumuhing plastik pang-grocery 0:03:06.000,0:03:08.000 ay maaaring maging isang tulay 0:03:08.000,0:03:12.000 na mas malakas pa kaysa sa inakala. 0:03:12.000,0:03:15.000 At kahit sila mismo ay napapahanga 0:03:15.000,0:03:18.000 sa mga bagay na binuo nila. 0:03:18.000,0:03:22.000 Bidyo: Tatlo, dalawa, isa, go! 0:03:29.000,0:03:33.000 Gever Tulley: Isang rollercoaster na binuo ng mga batang pitong-taon gulang. 0:03:33.000,0:03:36.000 Bidyo: Yay! 0:03:36.000,0:03:38.000 (Palakpakan) 0:03:38.000,0:03:41.000 GT: Salamat. Ako'y tunay na nagagalak. 0:03:41.000,0:03:47.000 (Palakpakan)