Sa umpisa mayroong Logos,
ang Big Bang, at ang sinaunang Om
Ayon sa teyoryang Big Bang, ang sanlibutan
ay nabanat mula sa matinding init
ng isang bahaging tinatawag na kahiwagaan - bilyong
beses ng liit nito kaysa butas ng karayom.
Hindi sinabi kung bakit o paano. Mas misteryoso
ang isang bagay, mas lalo nating ipinagwawalang bahala na
unawain ito.
Inakala noon na ang gravity ay maaaring
pabagalin ang paglawak o pag-ikli ng sanlibutan sa isang malaking
pagkadurog. Gayunman, may mga imahe mula sa teleskopyo ng Hubble
na nagpapakita na ang paglawak ng sanlibutan ay parang
bumibilis. Lumalawak ng mabilis na mabilis habang ito'y lumalaki
mula sa Big Bang. Kahit paano, mayroong mas maraming mass sa
sanlibutan kaysa sa hula ng physics. Para ipaliwanag ang nawawalang mass,
sinasabi ngayon ng mga physicist na ang sanlibutan ay binubuo ng 4% lang ng atomic matter
o ang itinuturing na normal matter. 23% naman ng sanlibutan ay ang dark matter
at 73% ay maitim na enerhiya - ang una nating inakala na bakanteng espasyo.
Ito ay tulad ng hindi nakikita na nervous system na dumadaloy sa buong sanlibutan
na nagdudugtong sa lahat ng bagay.
Ang mga sinaunang guro ng Vedic ay nagturo ng Nada Brahma -
ang sanlibutan ay ang vibration.
Ang vibratory field ay ang ugat ng lahat ng ispiritwal na karanasan
at pang-agham na imbestigasyon.
Ito ay kaparehas ng enerhiya ng mga santo,
mga Buddha, mga yogi, mga mistiko, mga pari at mga propeta na nagmasid
sa pamamagitan ng pagtingin sa kanilang kalooban. Ito ay tinawag na Akasha, ang Sinaunang Om,
lambat ng hiyas ng Indra, ang musika ng mundo,
at iba pang libo-libong mga pangalan sa buong kasaysayan.
Ito ay pangkaraniwang ugat ng lahat ng mga relihiyon,
at ang koneksyon sa pagitan ng ating panloob at panlabas na mundo.
Sa