[masiglang musika]
Ang pangalan ko ay Lesley Torres
at mag-aaral ako ng computer science.
Ang gusto ko sa computer science
ay nakatutulong ito na paunlarin
ang pagkamalikhain ko,
at tinuruan din ako nito ng mga
kasanayan sa paglutas ng problema.
Ito ang Sprite Lab,
lugar saan maaari kang
bumuo ng mga malikhain
at nakakatuwang app, at iba pang
kapaki-pakinabang na program.
Isa itong Sprite.
Ang Sprite ay bagay na
maaari kang makipag-ugnayan,
parang karakter sa isang laro,
o isang bagay sa isang eksena.
Sa Sprite Lab, pwede mong baguhin
ang iba't ibang aspeto ng isang Sprite,
tulad ng costume nito,
lokasyon,
at kulay.
Pwede mo ring baguhin paano kumikilos
ang Sprite sa screen.
Ang mga sprite ay pwede ring
makipag-ugnayan sa iyo o sa isa't isa.
Maaari kang lumikha ng dance party,
virtual na alagang hayop,
o buong mundo ng mga nilalang
na ginagawa ang anumang
sinasabi mo sa kanila.
Ngayon maaari kang gumugol ng ilang oras
sa pagtuklas ng Sprite Lab at tingnan kung saan
ka dadalhin ng imahinasyon mo.
[naglalaho ang masiglang musika]