Paano malalaman kung may gusto sa iyo ang isang lalaki?
Sa dictionary ng lalaki, ang 'gusto' at ang 'mahal' ay iisa lang.
Maraming babae ang nagrereklamo kung bakit hindi namin kayang diretsuhin ang aming nararamdaman sa kanila.
Alam mo kung bakit?
Kasi mahirap.
Mahirap kayang ma-reject.
Pero kaming mga lalaki,
gumagawa kami ng paraan para maparamdam sa inyo ang aming nararamdaman.
Iba't ibang paraan ang ginagawa namin.
Minsan halata, misan hindi.
Simulan natin sa text.
Torpe man tignan,
pero ito yung pinakamadaling paraan para mag-usap kayo kung hindi kayo gaanong nagkikita.
Kaming mga lalaki,
tuwang-tuwa kami kapag nakikita namin yung babaeng gusto namin sa inbox namin.
lalo na kapag kayo ang naunang nag-"Hi".
Kasi kapag inunahan namin kayong mag-text,
feeling namin na nagmumukha kaming epal o ignorante sa inyo.
At ang ayaw naming isipin nyo,
ay feeling close kami.
Mabilis kaming ma-in-love mabilis mag-reply,
nakakatawang ka-text.
Kasi alam namin na gusto nyo rin kaming kausapin.
At isip kami nang isip ng kung ano-anong tanong para lang hindi maputol ang usapan.
Kasi gusto namin ang kausapin kayo.
Kasi kayo ang nagbibigay-ngiti sa amin sa tuwing nagrereply kayo.
Kapag wala naman kaming load,
sa Facebook kami nanggugulo.
Makita lang namin yung bilog na kulay green sa tabi ng pangalan nyo,
for short, online kayo,
ay tuwang-tuwa na kami.
Hindi namin alam ang unang sasabihin namin sa inyo,
kasi baka mapahiya lang kami.
Kapag ang lalaki naman ay may kasamang tropa,
ang pangalan mo lagi ang bukang-bibig sa usapan.
Marinig lang namin ang pangalan nyo,
napapalingon na kami kung sino yung tumawag.
Nagseselos o nagagalit kami kapag nalalaman namin na may kausap syang ibang lalaki.
Hindi pa tayo, pero todo na ang selos namin.
Maniwala kayo kapag sinabi naming, "Lagi kang nasa isip ko."
Kasi totoo iyon.
Hindi lang babae ang nagpapantasya,
pati kami rin.
Minsan, iniisip namin kung anong hitsura namin kapag kasama kayo.
Kung nahahalata nyo na nagpapapansin kami sa inyo,
o kinukulit ka at nagiging sweet na kami,
wag kayong mag-hesitate na tanungin kami kung may gusto kami sa inyo.
Hindi namin iisipin na feeler kayo, kundi
mapapa-"oo" talaga kami sa sagot namin.
Kasi kung magpapakamanhid ka,
baka mawala ito.
Mahirap i-maintain ang feelings kapag balewala ka lang sa isang tao.
Kapag may gusto na sa iyo ang lalaki,
kausapin mo sya.
Kasi ang lalaking kayang ilaan ang oras nila para sa babaeng gusto nila,
seryoso iyon at sigurado ako doon.
At huwag kayong mafo-fall kung alam nyong nilalandi lang kayo.
At para naman sa mga lalaki,