Ang mga computer ay talagang mahusay sa paulit-ulit na mga gawain. Maaari kang magbilang hanggang 10, 20, o 100. Ngunit ang computer ay kayang magbilang ng isang bilyon o isang trilyon. Hindi ito tatamarin at aabutin lamang ito ng ilang segundo. Kung ito ay pagbibilang, o pagguhit, o anumang bagay - ang mga computer ay maaaring ulitin ang mga bagay daan-daan o kahit na bilyon-bilyong na beses. Sa programming, tinatawag namin itong isang loop. Ang isang loop ay kung paano mo ulitin ang iyong code na paulit-ulit. Para sa susunod na puzzle, ang iyong layunin ay upang makatulong kay Anna na lumikha ng isang parisukat na may "Repeat" na block. Ang bawat block ng code na iyong inilagay sa "Repeat" block ay uulitin muli sa sequence. nang maraming beses hangga't gusto mo. Upang gumuhit ng parisukat, maaari mong gamitin ang "Move Forward" at "Turn Right" block na 4 na beses. Ngunit ang mas madaling paraan upang sabihin sa computer na mag "Move Forward" at "Turn Right by 90 degrees" ng isang beses, at pagkatapos ay sabihin dito na ulitin ito ng 4 na beses. Upang magawa iyon, kailangan mong ilagay ang "Move Forward" at "Turn Right" block sa loob ng isang "Repeat" block. Tandaan, maaari mong baguhin ang numero sa "Repeat" block sa anumang bagay, at uulitin nito kung ano ang nasa loob ng block ng maraming beses.