WEBVTT 00:00:05.120 --> 00:00:09.040 Ako si May-Li Khoe at designer at imbentor ako. 00:00:10.300 --> 00:00:15.680 Ang ilan sa mga dinisenyo ko ay nasa Apple at ngayon nagdidisenyo ako ng mga produkto na gagamitin ng mga bata 00:00:15.680 --> 00:00:18.060 para mas maging madali sa kanila ang mga bagay sa paaralan. 00:00:18.060 --> 00:00:22.300 Ang aking iba pang trabaho ang pagdi-DJ at pagsasayaw. 00:00:25.620 --> 00:00:27.960 Kahit saan naroroon ang mga computer! 00:00:27.960 --> 00:00:33.180 Nasa mga bulsa sila ng mga tao, nasa mga kotse sila ng mga tao, nasa mga pulso sila ng mga tao. 00:00:33.180 --> 00:00:35.460 Maaaring nasa backpack mo sila ngayon mismo. 00:00:36.160 --> 00:00:38.820 Pero paano nagiging computer ang isang computer? 00:00:38.820 --> 00:00:41.000 Sa ano't anuman ano ang ginagawa ng computer para maging computer ito? 00:00:41.000 --> 00:00:42.980 At paano ba ito gumagana? 00:00:46.380 --> 00:00:50.180 Magandang araw ako si Nat! Isa ako sa mga orihinal na designer ng Xbox. 00:00:50.460 --> 00:00:56.040 Nagtatrabaho ako sa mga computer baka simula noong pitong taong gulang ako at ngayon nagtatrabaho ako sa virtual na reyalidad. 00:01:07.180 --> 00:01:10.520 Bilang mga tao, gumagawa tayo ng mga kasangkapan upang tulungan tayong malutas ang mga problema. 00:01:10.600 --> 00:01:15.900 Mga kasangkapan tulad ng karetilya, martilyo o imprenta o tractor-trailer. 00:01:15.900 --> 00:01:19.220 Tinutulungan tayo ng mga imbensiyong ito sa trabahong demano. 00:01:19.220 --> 00:01:21.280 Sa pagdaan ng panahon, nagtataka ang mga tao 00:01:21.380 --> 00:01:25.560 kung maaaring idisenyo ang isang makina at gawin upang tulungan tayo sa gawain ng pag-iisip na ginagawa natin, 00:01:25.560 --> 00:01:29.820 tulad ng paglutas ng mga equation o pagsubaybay sa mga bituin sa langit. 00:01:29.820 --> 00:01:34.280 Sa halip na maglipat o magmanipula ng mga pisikal na bagay tulad ng dumi at bato, 00:01:34.280 --> 00:01:38.300 nangangailangan ang mga makinang ito na idisenyo upang manipulahin ang impormasyon. 00:01:40.040 --> 00:01:43.740 Habang ginagalugad ng mga pionero ng computer science kung paano idisenyo ang isang makinang nag-iisip, 00:01:43.740 --> 00:01:46.920 napagtanto nila na kailangan nitong gawin ang apat na iba't ibang gawain. 00:01:48.240 --> 00:01:50.240 Kakailanganin nito na tanggapin ang input, 00:01:51.080 --> 00:01:52.360 mag-imbak ng impormasyon 00:01:53.400 --> 00:01:56.180 iproseso ito at i-output ang mga resulta. 00:01:56.700 --> 00:01:58.580 Ngayon tila simple ito, 00:01:58.580 --> 00:02:01.980 pero ang apat na bagay na ito ay karaniwan sa lahat ng mga computer. 00:02:02.740 --> 00:02:05.620 Iyan ang gumagawa sa computer upang maging computer. 00:02:07.940 --> 00:02:10.419 Ang mga kauna-unahang computer ay gawa sa kahoy at metal 00:02:10.419 --> 00:02:12.580 na may mga mekanikal na hawakan at ruweda. 00:02:13.360 --> 00:02:17.600 Bagaman sa ika-20 siglo, nagsimula ang mga computer na gumamit ng mga dekuryenteng bahagi. 00:02:17.600 --> 00:02:21.100 Ang mga naunang computer ay talagang malaki at napakakupad. 00:02:21.100 --> 00:02:25.380 Ang isang computer kasinlaki ng isang silid ay aabutin ng maraming oras upang gawin lang ang isang simpleng problema sa math. 00:02:27.400 --> 00:02:33.040 Ang mga makinang ito ay mga bagay na kumikinang, ng metal na may iba't ibang kulay at may napakaraming kumikislap na ilaw. 00:02:33.320 --> 00:02:36.100 Nagsimula ang mga computer na mga basic calculator, 00:02:36.100 --> 00:02:40.760 na talagang kagila-gilalas sa panahong ito at minamanipula lang nila ang mga numero noon. 00:02:40.800 --> 00:02:47.220 Pero ngayon magagamit natin sila na mag-usap sa isa't isa, magagamit natin sila na maglaro ng mga laro, magkontrol ng mga robot, 00:02:47.220 --> 00:02:49.980 at gumawa ng anumang kabaliwan na maaari mong maisip. 00:02:50.920 --> 00:02:54.120 Ang mga modernong computer ay hindi katulad ng mga antigong makina 00:02:54.120 --> 00:02:56.580 ngunit ginagawa pa rin nila ang parehong apat na bagay. 00:03:02.740 --> 00:03:04.740 Una, pag-uusapan natin ang tungkol sa input. 00:03:04.740 --> 00:03:07.180 Ito ang aking paborito dahil kung ano ang input ay 00:03:07.180 --> 00:03:12.240 ang bagay na ginagawa ng mundo o na ginagawa mo na ginagawa ang computer na gawin ang bagay. 00:03:12.240 --> 00:03:14.160 Maaari mong sabihin sa mga computer kung ano ang gagawin sa keyboard, 00:03:14.160 --> 00:03:18.640 maaari mong sabihin sa kanila kung ano ang gagawin sa mouse, ang mikropono, ang camera. 00:03:18.640 --> 00:03:22.400 At ngayon kung nagsusuot ka ng computer sa iyong pulso, maaaring makinig ito sa pintig ng iyong puso 00:03:22.400 --> 00:03:25.520 o sa iyong kotse, maaaring nakikinig ito kung ano ang ginagawa ng kotse. 00:03:25.520 --> 00:03:31.180 At mararamdamang totoo ng touchscreen ang daliri mo at itinuturing nito iyan bilang input kung ano ang ginagawa nito. 00:03:36.200 --> 00:03:40.680 Ang lahat ng iba't ibang input ay nagbibigay sa computer ng impormasyon saka nito iimbak sa memorya. 00:03:41.860 --> 00:03:45.480 Kinukuha ng processor ng computer ang impormasyon mula sa memorya. 00:03:45.480 --> 00:03:47.920 Minamanipula nito ito o binabago ito gamit ang isang algoritmo, 00:03:47.920 --> 00:03:49.980 na isa lang serye ng mga command. 00:03:49.980 --> 00:03:54.180 At saka ipapadala nito ang naprosesong impormasyon upang iimbak sa memorya muli. 00:03:54.200 --> 00:03:58.620 Nagpapatuloy ito hanggang sa ang naprosesong impormasyon ay handang maging output. 00:04:03.320 --> 00:04:07.260 Paano ina-output ng computer ang impormasyon ay depende kung paano idinisenyo ang computer na gumawa. 00:04:07.260 --> 00:04:13.180 Ipinapakita ng computer ang text, mga larawan, video o mga interaktibong laro -- kahit virtual na reyalidad! 00:04:13.180 --> 00:04:17.279 Maaari pa ngang kasama sa output ng computer ang mga signal upang kontrolin ang isang robot. 00:04:17.279 --> 00:04:19.820 At kapag kumokonekta ang mga computer sa Internet, 00:04:19.820 --> 00:04:23.880 ang output mula sa isang computer ay nagiging input sa isa pa, at gayundin ang kabaligtaran. 00:04:25.620 --> 00:04:29.760 Ang mga computer na ginagamit natin ngayon ay talagang iba sa mga naunang makina na nag-iisip. 00:04:29.760 --> 00:04:32.620 At sino ang nakaaalam kung ano ang magiging itsura ng mga computer sa hinaharap? 00:04:32.620 --> 00:04:37.480 Umaasa ako na makatutulong ka sa pagpapasya kung ano ang gusto mong magiging itsura ng mga computer sa hinaharap. 00:04:37.480 --> 00:04:41.480 Pero sa lahat ng mga computer na hindi inaalintana ang mga iba't ibang uri ng teknolohiya na ginagamit nila, 00:04:41.480 --> 00:04:44.580 ginagawa nila palagi ang parehong apat na bagay. 00:04:44.580 --> 00:04:46.360 Tumatanggap sila ng impormasyon, 00:04:46.360 --> 00:04:47.980 iniimbak nila ito bilang mga datos, 00:04:47.980 --> 00:04:49.520 ipinoproseso nila ito, 00:04:49.520 --> 00:04:51.460 at saka ina-output nila ang mga resulta.