Ako si May-Li Khoe at designer at imbentor ako.
Ang ilan sa mga dinisenyo ko ay nasa Apple at ngayon nagdidisenyo ako ng mga produkto na gagamitin ng mga bata
para mas maging madali sa kanila ang mga bagay sa
paaralan.
Ang aking iba pang trabaho ang pagdi-DJ at pagsasayaw.
Kahit saan naroroon ang mga computer!
Nasa mga bulsa sila ng mga tao, nasa mga kotse sila ng mga tao, nasa mga pulso sila ng mga tao.
Maaaring nasa backpack mo sila ngayon mismo.
Pero paano nagiging computer ang isang computer?
Sa ano't anuman ano ang ginagawa ng computer para maging computer ito?
At paano ba ito gumagana?
Magandang araw ako si Nat! Isa ako sa mga orihinal
na designer ng Xbox.
Nagtatrabaho ako sa mga computer baka simula noong pitong taong gulang ako at ngayon nagtatrabaho ako sa virtual na reyalidad.
Bilang mga tao, gumagawa tayo ng mga kasangkapan upang
tulungan tayong malutas ang mga problema.
Mga kasangkapan tulad ng karetilya, martilyo o imprenta o tractor-trailer.
Tinutulungan tayo ng mga imbensiyong ito sa trabahong demano.
Sa pagdaan ng panahon, nagtataka ang mga tao
kung maaaring idisenyo ang isang makina at gawin upang tulungan tayo sa gawain ng pag-iisip na ginagawa natin,
tulad ng paglutas ng mga equation o pagsubaybay
sa mga bituin sa langit.
Sa halip na maglipat o magmanipula ng mga pisikal na bagay tulad ng dumi at bato,
nangangailangan ang mga makinang ito na idisenyo upang manipulahin ang impormasyon.
Habang ginagalugad ng mga pionero ng computer science kung paano idisenyo ang isang makinang nag-iisip,
napagtanto nila na kailangan nitong gawin ang apat na iba't ibang gawain.
Kakailanganin nito na tanggapin ang input,
mag-imbak ng impormasyon
iproseso ito at i-output ang mga resulta.
Ngayon tila simple ito,
pero ang apat na bagay na ito ay karaniwan sa lahat ng mga computer.
Iyan ang gumagawa sa computer upang maging computer.
Ang mga kauna-unahang computer ay gawa sa
kahoy at metal
na may mga mekanikal na hawakan at ruweda.
Bagaman sa ika-20 siglo, nagsimula ang mga computer na gumamit ng mga dekuryenteng bahagi.
Ang mga naunang computer ay talagang malaki at napakakupad.
Ang isang computer kasinlaki ng isang silid ay aabutin ng maraming oras upang gawin lang ang isang simpleng problema sa math.
Ang mga makinang ito ay mga bagay na kumikinang, ng metal na may iba't ibang kulay at may napakaraming kumikislap na ilaw.
Nagsimula ang mga computer na mga basic
calculator,
na talagang kagila-gilalas sa panahong ito at minamanipula lang nila ang mga numero noon.
Pero ngayon magagamit natin sila na mag-usap sa isa't isa, magagamit natin sila na maglaro ng mga laro, magkontrol ng mga robot,
at gumawa ng anumang kabaliwan na maaari mong maisip.
Ang mga modernong computer ay hindi katulad ng mga antigong makina
ngunit ginagawa pa rin nila ang parehong apat na bagay.
Una, pag-uusapan natin ang tungkol sa input.
Ito ang aking paborito dahil kung ano ang input ay
ang bagay na ginagawa ng mundo o
na ginagawa mo na ginagawa ang computer na gawin ang bagay.
Maaari mong sabihin sa mga computer kung ano ang gagawin
sa keyboard,
maaari mong sabihin sa kanila kung ano ang gagawin sa mouse, ang mikropono, ang camera.
At ngayon kung nagsusuot ka ng computer sa iyong pulso, maaaring makinig ito sa pintig ng iyong puso
o sa iyong kotse, maaaring nakikinig ito kung ano ang ginagawa ng kotse.
At mararamdamang totoo ng touchscreen ang daliri mo at itinuturing nito iyan bilang input kung ano ang ginagawa nito.
Ang lahat ng iba't ibang input ay nagbibigay sa computer ng
impormasyon saka nito iimbak sa memorya.
Kinukuha ng processor ng computer
ang impormasyon mula sa memorya.
Minamanipula nito ito o binabago ito gamit ang isang algoritmo,
na isa lang serye ng mga command.
At saka ipapadala nito ang naprosesong impormasyon upang iimbak sa memorya muli.
Nagpapatuloy ito hanggang sa ang naprosesong
impormasyon ay handang maging output.
Paano ina-output ng computer ang impormasyon
ay depende kung paano idinisenyo ang computer na gumawa.
Ipinapakita ng computer ang text, mga larawan, video o mga interaktibong laro -- kahit virtual na reyalidad!
Maaari pa ngang kasama sa output ng computer ang mga signal upang kontrolin ang isang robot.
At kapag kumokonekta ang mga computer sa
Internet,
ang output mula sa isang computer ay nagiging input sa isa pa, at gayundin ang kabaligtaran.
Ang mga computer na ginagamit natin ngayon ay talagang iba sa mga naunang makina na nag-iisip.
At sino ang nakaaalam kung ano ang magiging itsura ng mga computer sa hinaharap?
Umaasa ako na makatutulong ka sa pagpapasya kung ano ang gusto mong magiging itsura ng mga computer sa hinaharap.
Pero sa lahat ng mga computer na hindi inaalintana ang mga iba't ibang uri ng teknolohiya na ginagamit nila,
ginagawa nila palagi ang parehong apat na bagay.
Tumatanggap sila ng impormasyon,
iniimbak nila ito bilang mga datos,
ipinoproseso nila ito,
at saka ina-output nila ang mga resulta.