Oras ng Code | Dance Party: Mga Property
Ako po si Maria.
Isa po akong junior sa Unibersidad ng Washington
at isang future engineer ng Amazon.
Gustong-gusto ko ang computer science dahil
pinagsasama nito ang problem-solving at critical na
pag-iisip.
At matapos magawang isang bagay ang mga oras ng
pagtatrabaho,
makakatanggap ka ng isang bagay na talagang cool at
rewarding mula rito.
Sa ngayon, nagkaroon ka ng pagkakataon na maglaro
sa ilang iba’t ibang uri ng mga dancer
at pinrogram mo ang mga ito na gawin ang iba’t ibang
uri ng mga galaw ng sayaw.
Ngunit ang mga galaw ba na ito ay talagang
epektibo?
Ang bawat galaw sa sayaw ay binubuo ng isang serye
ng mga imahe na tinatawag na mga frame.
Ang bawat frame ay kakaiba nang kaunti mula sa frame
na nauna rito.
Kapag tumatakbo ang iyong program, paisa-isang
ipapakita ng computer ang mga frame.
Napakabilis na ipinapakita ang mga ito na parang
gumagalaw ang dancer.
Ito ang lihim sa likod ng lahat ng animation.
Hindi mo lang mababago ang mga galaw ng iyong
dancer,
mapapalitan mo rin ang mga property ng isang
dancer.
Inilalarawan ng mga property ang mga bagay tulad ng
posisyon ng dancer sa screen,
ang laki ng dancer,
at ang kulay ng dancer.
Para palitan ang mga property ng isang dancer,
gagamit ka ng “set” block.
Gagamit tayo ng “set” block para gawing mas maliit
ang ating mga dancer.
Una, hilahin ang set block papasok sa iyong
program.
Pagkatapos, piliin ang dancer na gusto mong
baguhin
at i-type ang laki na lalabas sa screen
Ang kumpletong laki ay 100.
Kung pipiliin mo ang mas mababang numero, mas
magpapaliit ito sa dancer.
Mas maliit ang dancer, mas malayo itong tingnan.
Ito ay isang mabuting paraan para gumawa ng mga
backup dancer.
Gamit ang set block, mababago mo rin ang mga
dimension,
rotation,
posisyon
at kulay ng dancer.
Sa paglalaro sa mga property na ito,
magagawa mo ang lahat ng uri ng mga pagbabago at
i-link ang mga ito sa iba’t ibang parte ng awit.
Tandaan, mase-set mo lang ang mga property ng isang
dancer na nariyan na.
Tiyakin na ang iyong set block ay dumating matapos
ang block na “Gumawa ng isang bagong dancer”.
Malaya kang mag-eksperimento, maging mapanlikha,
at magsaya.