Nasa anong baitang ka? Ikalawa. Ikasampung baitang. Unang baitang. Nasa ika-8 baitang ako nang matuto ako
na mag-program. Nagkaroon ako ng unang computer nang nasa ika-6 na baitang ako. Nagiging excited ako kapag
nalulutas ko ang mga problema ng mga tao. Maaari mong ipahayag ang sarili mo, maaari kang gumawa ng mga bagay sa
isang ideya. Ang computer science ay ang basehan ng maraming bagay na gagawin ng mga mag-aaral sa kolehiyo
at propesyonal sa loob ng susunod na 20 o 30 taon. Gustong gusto ko ang programming dahil gusto
kong tumulong sa mga tao. Nagkakaroon ako ng oportunidad na gumawa ng isang bagay na magpapadali sa
mga buhay ng mga tao. Sa tingin ko ito ang pinakamalapit sa pagkakaroon ng superpower. Ang pagsisimula
ang pinakamahalagang bahagi. Bagito ako mismo at gusto kong matuto ka na kasama ako.
May paborito ka bang video game na palaging gusto mong gawin? Buweno, magsisimula tayo
sa paggawa ng mga laro gamit lang ang Play Lab. Ang mga magaling na laro ay may kuwento, at bawat kuwento
ay may mga aktor. Mga aktor na ginagawa ang mga bagay na tulad ng pagsasalita, paggalaw, pakikitungo sa isa't isa, malamang kahit na
mag-score ng mga puntos base sa mga alituntunin ng larong iyan. Sa araw na ito, matututo tayo kung paano gawin ang lahat ng
mga bagay na ito sa mga aktor na patawa tulad ng mga mangkukulam, zombie, alien at hayop--at saka gumawa
ng laro mula sa wala na maaaring ibahagi at laruin sa isang telepono.
Nahahati ang screen mo sa 3 pangunahing bahagi. Sa kaliwa ang game space kung saan tatakbo
ang program mo. Ang mga tagubilin sa bawat lebel ay nakasulat sa ibaba. Ang gitnang area ang
toolbox at bawat isa sa mga block ay isang piyesa ng code. Ang puting space sa kanan ang tinatawag na
workspace at dito natin gagawin ang ating program.
Para magsimula, kakailangan mo na i-link ang mga block mo sa orange na "when run" na block. Maaari mong i-link
ang maraming block na magkasama sa pamamagitan ng pag-drag sa kanila hanggang sa makita mo ang dilaw na linya at saka
magsasama sila.
Sa unang palaisipan na ito, ang ating aktor ang penguin at gagawin natin itong magsasabi ng "Magandang araw!" sa pamamagitan ng pag-drag
ng "say" na block, na inili-link ito sa "when run" na block at itina-type ang "Magandang araw." Maaari rin
nating gawin na gumalaw ang penguin sa pamamagitan ng paggamit sa "move right" at "move left" na block. Sa sandaling nasa
lugar ang mga block mo, tamaan ang "run button" upang makita kung ano ang na-program mo. Magsimula
at sa katapusan, makakagawa ka ng sarili mong laro sa lahat ng uri ng mga manlalaro na maaari
makitungo, maging masaya o malungkot, mag-score ng mga puntos o maghagis ng mga bola ng apoy o kahit na mawala ang bawat isa.
Nasa sa iyo iyan at ang laro na gusto mong gawin.
Subtitles by the Amara.org community