Hi sa lahat, Isa sa kapana-panabik na bagay sa program ay maaari itong maging interactive. Kapag may nag-click, nag-tap o nag-type sa computer o telepono gumagawa ito ng event. at may ilang code na nagpapasiya kung ano gagawin kapag ang event ay nangyayari. Halimbawa, maaari kang magkaroon ng eventhandler na ang sabi "kapag na-click ang mouse, magpatugtog". Subukan natin nang makita paano ito gumagana. Narinig mo na ba ang larong Flappy Bird? Sa paggamit ng eventhandlers, matututo ka i-program ang bersiyon mo ng Flappy Bird. May pag-drag at drop ng block ang code mo, na kumakatawan sa command sa computer. Drag at drop na programming ang pinakamadaling paraan na matuto... Ganyan din natutong mag-code ang mga mag-aaral sa unibersidad. Ngunit sa ilalim ng hood, kinakatawan ang bawat block ng tunay na code. Kung titingnan mo ang workspace, may ilang berdeng block na pinunan para sa iyo. Ito ay mga event handlers. Kung gusto mong kumampay ang ibon, kapag na-click mo ang mouse, magagawa mo ito sa paglagay ng flap-block sa naaangkop na eventhandler. At ngayon sa laro mo, tuwing na-click mo ang mouse, ang ibon ay kakampay. Sa bawat palaisipan ng aktibidad na ito, ipakikilala ang mga bagong uri ng event bilang mga berdeng block sa workspace. maaari kang magpasya sa naaangkop na block na idaragdag bilang tugon sa events na ito Kapag nakita mo ang arrow tulad nito, maaari mong baguhin ang mga setting, gaya ng tunog na tutugtog kapag ang ibon ay tumama sa lupa. Sa huling palaisipan, magagawa mong lumikha ng sarili mong laro at ibahagi ito sa mga kaibigan mo. Mag-enjoy ka!