Preston: Pagbati!
Lizzy: Pagbati!
Stampy: Pagbati, nagawa mo!
Stacy: Pagbati mga igan, talagang magaling kayo!
At ngayon na nakumpleto mo ang Oras ng Code, maaari ka ng magsimulang mag-code sa Minecraft.
Natuto ka tungkol sa mga loop, function at kung ano ang ginagawa ng software na Agent.
Ngayon, oras na para sa lebel ng malayang laro kung saan ikaw ang developer.
Gamitin ang anumang nalalabing oras upang isulat ang sarili mong mga function upang maggalugad, magmina at magtayo.
Maaari mong dalhin ang code na sinusulat sa lebel na ito sa iyong mundo ng Minecraft sa Minecraft:
Edisyon ng Edukasyon.
Pindutin lang ang "Finish" at sundin ang mga tagubilin para kunin ang link para gamitin sa mundo mo
upang magpatuloy sa pag-code kasama ng Agent.
Maglibang at magaling!
Stacy: At bumalik na ako!
Okey, kayo mga igan, ito ang Agent!
Ipapakita ko kung ano ang ginagawa nito.
Tingnan ninyo!
Ginagawa nito ang ginagawa nito!
Sinabi ko dito na gumawa ng hagdan mula sa mga terra cotta block, ngayon maaari nating gamitin ito
upang umalis dito.
At mga igan, hindi lang mga hagdan.
Maaari kong sabihin sa Agent na gawin ang anuman sa gusto ko at gagawin nito ito para sa akin.
Stampy: Paano mo iyan ginawa?
Stacy: Sa totoo lang madali lang.
Ginamit ko lang ang code!