(Amy Lee33) Pagbati! Nagawa mo! (Pusit) Pagbati! (Netty) Nagawa mo! Pagbati! (Tomohawk) Pagbati! (Amy Lee33) Kay ganda ng araw! Lahat ng paghahanap ng kayamanan ay nag-akay sa atin sa isang daanan ng Minecraft. Mga kabibeng Nautilus, baul ng kayamanan at gustong gusto ko talaga ang kulay na prismarine. At natuto tayo kung paano mag-code ng mga loop at conditional. (Pusit) Nauukol sa pag-code, mayroon pang lebel sa paghahanap na ito. Handa na ba kayo dito, mga adventurer? (Netty) Ito'y antas ng malayang laro at maaari mong gamitin ang mga kasanayan mo sa pag-code at gumawa ng isang bagay na kamangha-mangha. (Tomohawk) Hmmm...isang lugar upang itago ang kayamanan mo, isang bantayog sa ilalim ng dagat, isang kastilyong coral? Ahhh...napakaraming ideya. Subukang gumamit ng mga loop upang lumikha ng aksiyong umuulit, at mga conditional upang ihanda ang lahat ng mga hindi mahuhulaang senaryo. (Amy Lee33) Napatunayan mo na na isa ka talagang malupit na coder, at nasasabik akong makita kung ano ang ginawa mo. At nawa ay hindi magtapos ang mga pakikipagsapalaran mo sa code dito. Maligayang Paglalakbay!