[woosh] [ding] [tunog na nabubuo] [musika] Ano ang internet? Ang internet ay tulad ng isang sikat na bagay. Ilang satellite sa langit. Napi-picture ko ito sa isip ko na tulad ng mga alon ng internet na papunta sa telepono. May nagsabi sa akin minsan tungkol sa cloud. Ang internet ay tulad ng pagtutubero palaging gumagalaw. Karamihan sa mga tao ay walang anumang ideya kung saan nanggaling ang internet at hindi mahalaga, hindi nila kailangang malaman. Ito'y tulad ng pagtatanong kung sino ang nakaimbento sa bolpen, o ang kubetang de-flush o ang siper. Ang mga ito ay lahat ng bagay na ginagamit lang natin sa bawat araw na hindi natin iniisip ang tungkol sa bagay na isang araw may umimbento sa kanila. Kaya ang internet ay tulad lang niyan. Maraming taon ang nakalilipas noong maagang 1970 ang aking partner na si Bob Kahn at ako ay nagsimulang magtrabaho sa disenyo kung ano tatawagin ngayong internet. Resulta ito ng isa pang eksperimento na tinatawag na ARPANET na tumatayo sa Advanced Research Project Agency Network. Ito ay isang proyekto ng pananaliksik sa Kagawaran ng Tanggulan. Sinusubukan ni Paul Baran na alamin kung paano magtayo ng sistema ng komunikasyon na maaaring makaligtas sa isang atakeng nukleyar. Kaya nagkaroon siya ng ideya ng paghahati sa mga mensahe sa mga block at ipinapadala sila ng mabilis hangga't maaari sa bawat posibleng direksiyon sa pamamagitan ng mesh network. [whoosh] Kaya gumawa kami ang magiging sa kinalaunan ang nationwide environmental packet network, at gumana. [elektronikong musika na may mga mabigat na kumpas] May sinuman ba na nangangasiwa ng internet? Kinokontrol ito ng pamahalaan. Mga duwende, halatang mga duwende! Ang mga tao ang magkokontrol sa Wi-Fi dahil noon walang Wi-Fi, walang internet. T-mobile, um, Xfinity, Bill Gates [tumigil] Tama?! Ang tapat na sagot ay buweno walang sinuman at malamang ang isa pang sagot ay lahat. Ang totoong sagot ay na ang internet ay binubuo ng napakalaking numero ng mga independiyenteng pinatatakbong network. Kung ano ang interesante sa sistema ay ito ay ganap na ipinamamahagi. Walang sentral na kontrol na nagdedesisyon kung paano niro-route ang mga packet o kung saan ang mga bahagi ng network ay ginagawa o kahit na sino ang nagkokonekta kanino. Ang mga ito ay lahat desisyon sa negosyo na independiyenteng ginagawa ng mga operator. Lahat sila ay may tunguhin na tiyakin na may konektibidad sa bawat koneksiyon ng bawat bahagi ng network dahil ang gamit ng net ay na ang anumang device ay maaaring makipag-usap sa anumang ibang device; tulad lang ng gusto mong magagawa sa mga tawag sa telepono sa anumang ibang telepono sa mundo. Walang ganito ang ginawa na noon. Ang ideya na kung ano ang alam mo ay maaaring kapaki-pakinabang sa isa o kabaligtaran ay napakamakapangyarihang nag-uudyok sa pagbabahagi ng impormasyon. Iyan pala kung paano ginagawa ang siyensiya, nagbabahagi ang mga tao ng impormasyon. Kaya ito ay oportunidad para sa mga tao na mag-isip ng mga bagong aplikasyon, baka i-program sila bilang mga app sa isang selpon, baka maging bahagi ng patuloy na paglago ng imprastraktura ng network upang dalhin ito sa mga tao na walang pang access dito; o gamitin lang ito araw-araw. Hindi ka makakatakas mula sa pakikipagkontak ng internet kaya bakit hindi alamin ito at gamitin ito. [epekto ng paikot-ikot na tunog] [ding]