Ngayon matututo tayo tungkol sa ginagawa ng lahat ng mga game programmer araw-araw. Sila'y tinatawag na "mga event." Sinasabi ng isang event sa program mo na makinig kapag may mangyayari. At saka kapag nangyayari ito, kikilos ito. Ilang halimbawa ng mga event ay pakikinig sa klik ng isang mouse, palasong buton o isang tap sa sa screen. Dito, paaabantehin natin si Baymax upang hawakan si Hiro at pababain upang hawakan si Rapunzel kapag ginagamit ng manlalaro ang pataas/pababang palasong key o ang pataas/pababang buton. Gagamitin natin ang "when up arrow" na block at ilakip ang "move actor up" na block dito, kaya kapag pinipindot ng manlalaro ang pataas na palasong key, ang lahat ng nakalakip sa "when up arrow" na block ay umaandar. Gagawin natin ang pareho upang pababain si Baymax. Sa bawat hakbang nagiging mas interaktibo ang laro mo. Subtitles by the Amara.org community