Ngayon matututo tayo tungkol sa ginagawa ng lahat ng mga game programmer araw-araw. Sila'y
tinatawag na "mga event." Sinasabi ng isang event sa program mo na makinig kapag may mangyayari. At
saka kapag nangyayari ito, kikilos ito.
Ilang halimbawa ng mga event ay pakikinig sa
klik ng isang mouse, palasong buton o isang tap sa
sa screen. Dito, paaabantehin natin si Baymax
upang hawakan si Hiro at pababain upang hawakan
si Rapunzel kapag ginagamit ng manlalaro ang pataas/pababang
palasong key o ang pataas/pababang buton. Gagamitin natin ang "when up arrow" na block at ilakip ang "move
actor up" na block dito, kaya kapag pinipindot ng
manlalaro ang pataas na palasong key, ang lahat ng nakalakip
sa "when up arrow" na block ay umaandar. Gagawin
natin ang pareho upang pababain si Baymax.
Sa bawat hakbang nagiging mas interaktibo ang laro mo.
Subtitles by the Amara.org community