Magandang araw, ako si Alice at pinangangasiwaan ko ang mga product and engineering team dito sa Code.org at nagtrabaho ako dito sa tutorial na ito na iyong pini-play ngayon. Nagawa mo sa huling lebel. Pagbati! Natuto ka ng lahat ng kailangan mong malaman upang gumawa ng sarili mong larong Star Wars. Ngayon wala ng mga tagubilin, walang mga palaisipan na lulutasin. Maaari ka ng gumawa ng sarili mong laro at pipiliin mo kung paano ito gagana. Isa pa, na-unlock mo ang mga bagong tunog at bagong command upang gumawa ng mas marami pa. [mga mag-aaral na nagsasalita] Kaya gumawa kami ng isang laro kung saan makakakuha ka ng mga puntos kapag nakakuha ka ng mga puffer na baboy. Ang hindi inaasahan ay bawat pagkakataon na makakuha ka ng puffer na baboy lilitaw ang isang storm trooper. Sa kinalaunan ang buong screen ay puno ng mga puffer na baboy at saka kapag hinawakan mo ang 10,000 sa kanila, mananalo ka. [mga mag-aaral na nagsasalita] Gumawa kami ng isang laro kung saan hindi ka matatalo at lahat ng mapapatay mo ay nagbibigay sa iyo ng mga puntos. Para sa aking program, binaligtad ko ang mga key para kapag pinindot mo ang pataas, bababa ang karakter mo at kapag pinindot ang kanan, kakaliwa ang karakter mo. Talagang napakahirap! Minsan may bentaha ka, isang kalamangan kung ikaw ang developer ng laro. Nakuha ko ba? Yehey! Kapag tapos ka na sa paggawa ng laro mo, piliing ibahagi upang kunin ang link na maaari mong ibahagi sa mga kaibigan o laruin ang laro mo sa telepono mo. Maglibang! Subtitles by the Amara.org community