hey, si Deborah ito maligayang pagbabalik o pagdating sa aking channel, dobochobo ngayong araw ipapakita ko sa inyo ang pinakahinihiling na notion tour! matagal niyo nang sinasabi- (tunog ng uwak) matagal niyo nang sinasabi na gusto niyong makita ang bidyong ito at matagal ko nang gustong gawin ang video na ito, simula noong ginawa ko ang channel na ito, isang taon na ang nakalipas kung kaya't sabik na sabik akong ipaalam sa inyo na ang video na ito ay iniisponsor ng notion! <3 ito na talaga ang aking dream collaboration at nasasabik ako na ibahagi ito sa inyo hindi ito magiging posible dahil sa suporta niyo kaya salamat :') kung narito kayo sa video na ito siguro alam niyo na ang notion, pero kung hindi ang notion ay parang isang digital workspace sa palagay ko, yun ang pinaka-angkop para ilarawan ito dahil sobrang customizable talaga nito hindi lang ito digital planner, pwede itong gamitin sa pagtatala para sa pag-aaral, at pwede rin itong gamitin upang makipagtulungan sa mga grupo nagsimula akong gamitin ito noong isang taon, kung kailan ko sinimulan ang aking youtube channel, at nagsimula ang aking pag-aaral sa kolehiyo, at biNAgO tALaGa NiTo aNg bUHaY kO hindi sa pagiging madrama o kung ano man pero nakatulong talaga ito sa pagiging mas organisado at produktibo dati ay lagi akong gumagamit ng analog planner gumamit ako ng agendas, gumamit ako ng bullet journals kahit anong maisip mo, nasubukan ko na siguro pero napagtanto ko na ginagamit ko lang ang pisikal na planners na 'yun ng 3 buwan, 6 na buwan max dahil nag-iiba ang mga pangangailangan ko halimbawa sa summer break, nagsasawa ako, o nahihirapan sa pagtuloy nito parang bulletjournaling, ngunit pagkatapos gamitin ang notion ng isang buong taon masasabi ko talaga na isa akong digital convert ginagamit ko ang notion hindi lamang bilang main planner at agenda, para sa aking araw-araw, lingguhan, at buwanan na plano ginagamit ko rin ang notion para sa gawain sa kolehiyo at pagplano ng mga youtube video ko! kaya parang ang buong buhay ko ay nasa notion ko?? gusto ko lang sabihin na hindi tutorial ang video na ito dahil hindi ako magaling sa pagpapaliwanag siguradong magbibigay ako ng mga tip at payo paminsan minsan pero alam ko na medyo nakakalito at nakaka-overwhelm talaga ito kapag nagsimula ka sa paggamit ng notion kung kaya't ilalagay ko lahat ng resources at youtube videos na nakatulong sa akin sa description box sa baba kaya nirerekomenda ko na silipin niyo iyon at syempre ilalagay ko rin ang sarili kong notion sa description box upang makita niyo rin, pwede niyong gayahin ibahin niyo hangga't gusto niyo kaya without further ado, andito ang aking laptop, tignan na natin ang notion ko! hello sa inyong lahat, maligayang pagdating sa mundo ni deborah! noong isinasaayos ko ang notion ko para sa paparating na school year, nagsimula rin akong panooring muli lahat ng pelikula ng studio ghibli, malaki silang parte ng kabataan ko at nainspire talaga ang notion setup ko sa kasalukuyan kung iisipin mong isang bahay ang notion ko, parang ito ang sala, kaya nandito ang ating apat na kwarto: buhay, academia, studio, at trabaho mayroon din akong mga cute na widget para lang magmukhang maganda, ewan ko mukha namang ayos lang sila at nagdaragdag ng "flair" sa notion ko mapapansin agad na mayroon ditong espasyo para sa memo/pagtatala/brain dump sa notion ko dahil maraming pumapasok sa aking isipan kaya sobrang nakatutulong ang digital sticky notes para makapokus nang husto at kung pupunta tayo sa unang kwarto, ang buhay: gusto ko itong makita bilang aking bullet journal sa aking notion kaya makikita rito ang ibang links papunta sa ibang "kwarto" ng aking "bahay" sa ilalim nito ay ang ilan sa aking mga personal links ito ay ilan sa aking mga resolusyon ngayong bagong taon mayroon din akong monthly overviews mapapansin na hindi ko na muli ito nagagamit...pero, hilig kong isulat ang aking mga intensyon at layunin sa simula ng buwan at sa huling araw ng buwan, isinusulat ko ang aking mga nagawa at natutunan ang sarap lang itong muling balik balikan sunod dito ay ang aking daily schedule, at ito ay lubos na nakatutulong lalo na tuwing pasukan, para maiplano ko ang mga dapat kong gawin bawat oras mayroon ditong cute at maliit na larawan ni ponyo, isang kasabihan sa ilalim nito at brain dump area, na sobrang nakatutulong dito naman sa kaliwa makikita ang index maraming makikita sa ilalim nito ngunit magsisimula tayo sa finances marami sa inyo ang nagtatanong para sa isang notion tour pagkatapos nyo makita ang aking finance page, kaya akin itong susubukan at ipapakita nang mabilis sa dulo ng bawat buwan, hilig kong gumawa ng pinansyal na repleksyon kung saan makikita ko kung magkano ang kinita ko, magkano ang ginastos ko, at magkano ang ipon ko sa buwan na iyon at kahit na wala ako gaanong alam sa mga pinansyal na bagay ang laking-tulong malaman kung saan ko nagagatos ang aking pera at magkano ang perang aking nagagastos dahil napakadali na wala kang ideya kung gaano karaming pera ang nagagastos mo sa bawat buwan at ipapakita ko sa inyo ang isang halimbawa ito ay isang page sa template na aking ginawa para sa inyo maraming payo rito gusto ko talaga magsimula sa paglilista kung ilan ang naipon ko sa buwan na iyon at kunin ang kabuuan sa dulo sa pag scroll down, gusto kong nililista ang bawat gastos ko sa buwan na iyon dahil malimit kong ginagamit ang aking credit at debit card, madali itong gamitin dahil makikita ko agad ang aking nagastos sa credit o debit account ko gusto ko ring naka-ayos ito base sa type ng expense nito at sa type ng payment, at kung ito ba ay impulsed purchase o hindi