WordPress 4.5 [Jazzer] ipinangalan kay [Jazzer] na Jazz legend, na nagbibigay ng magandang pagdaloy ng iyong trabaho kung ika'y nagsusulat o gumagawa ng iyong website. Dahil sa responsive na mga preview sa customizer, hindi mo kakailanganin ang iyong telepono upang matingnan ang iyong site sa mobile web. Gamitin ang layout toggle upang makita ang iyong website sa iba't-ibang laki ng screen. Habang ika'y nandiyan, pumunta sa site identity settings at kung ang iyong tema ay sinusuportahan ito, idagdag ang logo sa iyong website. Mayroon kaming ginawang mga pinong pagbabago sa editor na magpapabuti ng iyong karanasan sa pagsusulat. Ngayon, kung iyong pipindutin upang maglagay ng link may field na makikita inline na hinahayaan kang maglagay ng URL kahit ito man ay sa iyong site o sa ibang lugar sa web, at ang release na ito ay nakikita ang panimula ng higit pang mga shortcut sa pag-format upang panatilihan kang nagta-type at magpabuti ng pagdaloy ng iyong trabaho. Ilagay ang iyong teks sa "back ticks" upang masalin ito sa code, o magdagdag ng tatlong gitling upang makapaglagay ng pahalang na linya. At ito ay ang sulyap sa WordPress 4.5, ang release na nakatutok sa pagpapadali ng pagsulat at paglathala. WordPress 4.5 [Jazzer], para sa mas episyenteng karanasan.