Mga ilan tag-araw na ang nakakalipas, Ginagawa ko ang painting na "Heaven." Ito ay isang malayang pagpipinta, isang obra na may malayang galaw at layunin. Iniisip ko ito yung medyo modernong bersiyon ko ng abstract. At binabasa ko noon ang talambuhay ni de Kooning, kung gaano kahirap na nakaupo lamang si de Kooning noon ng ilan taon, kakasubok na makagawa ng tamang obra. At ako naman ay gumagawa ng aking pekeng pagpapahayag ng abstract, kapareho ng bagay na kanyang ginagawa: Sa aking pagmamasid. Babalikan ko,susundutin ko ng kaunti panandalian. At pagkatapos ay uupo. Tapos maiisip ko habang nagbabasa ng libro, "Nakakainip naman, de Kooning!" Tapos mapapaisip ako, "Ang hirap pala gawin!" Tapos tumiigil ako ng mga oras na iyon. [TAWA] Nung nagsimula ako magpinta, galing ito sa mga iskultura, at ginagamit ko na pintura ay ay pang iskultura mismo. Magsisimula ako magpinta ng pataaas at pababa tapos ay patagilid ng dire-diretso, para matakpan ang mga bakas ng brush. Hindi yung buburahin, yung tipong hindi lang mapapansin. Tapos may isang pagkakataon, naglagay ako ng masking tape at nilagyan ko ng pintura lahat, yung para magkaroon ka ng ganoon na galaw na paulit ulit lang. At isa yung napakalaking pagbabago. Nakuha mo pareho. Nakuha mo ng sabay. Nagaya mo si Albers at de Kooning sa iisang obra.