[masiglang musika]
Oras na para alamin ang ilang
nakakatuwang feature ng Sprite Lab.
Ang unang bagay na dapat gawin
ay mag-setup ng Sprite.
Upang magdagdag ng Sprite,
pwede mong gamitin
ang "gumawa ng bagong sprite" na block.
Hinahayaan ka ng block na ito na bigyan
ang Sprite mo ng costume at lokasyon.
Kung gusto mong baguhin
ang lokasyon ng Sprite,
maaari mong i-click ang
pin sa block na "lokasyon",
at pagkatapos ay i-click kung
saan mo ito gustong pumunta.
Maaari mo ring baguhin
ang laki ng mga Sprite mo.
Upang gawing mas maliit ang Sprite,
pwede mong gamitin ang block na "i-set ang laki"
at i-type ang numero na mas mababa sa 100.
Kung mayroon kang dalawa o higit pang Sprite
na may parehong costume,
babaguhin nito ang lahat nang sabay-sabay.
Ngayon, hayaan nating gumalaw ang sprite
sa pamamagitan ng paggamit ng pag-uugali.
Maaari kang magsimula sa pamamagitan
ng pagbibigay sa Sprite
ng pag-uugaling "umiikot pakanan".
Kapag nagsimula na ang pag-uugali,
ito ay tatakbo nang
paulit-ulit magpakailanman,
o hanggang sa sabihin mo na huminto na.
At hanggang doon na lang.
Ngayon ikaw naman.
[naglalaho ang masiglang musika]