[masiglang musika] Oras na para alamin ang ilang nakakatuwang feature ng Sprite Lab. Ang unang bagay na dapat gawin ay mag-setup ng Sprite. Upang magdagdag ng Sprite, pwede mong gamitin ang "gumawa ng bagong sprite" na block. Hinahayaan ka ng block na ito na bigyan ang Sprite mo ng costume at lokasyon. Kung gusto mong baguhin ang lokasyon ng Sprite, maaari mong i-click ang pin sa block na "lokasyon", at pagkatapos ay i-click kung saan mo ito gustong pumunta. Maaari mo ring baguhin ang laki ng mga Sprite mo. Upang gawing mas maliit ang Sprite, pwede mong gamitin ang block na "i-set ang laki" at i-type ang numero na mas mababa sa 100. Kung mayroon kang dalawa o higit pang Sprite na may parehong costume, babaguhin nito ang lahat nang sabay-sabay. Ngayon, hayaan nating gumalaw ang sprite sa pamamagitan ng paggamit ng pag-uugali. Maaari kang magsimula sa pamamagitan ng pagbibigay sa Sprite ng pag-uugaling "umiikot pakanan". Kapag nagsimula na ang pag-uugali, ito ay tatakbo nang paulit-ulit magpakailanman, o hanggang sa sabihin mo na huminto na. At hanggang doon na lang. Ngayon ikaw naman. [Wala ng masiglang musika]