Nakikinikinita mo ba kung kailangan mong ulit-ulitin ang isang bagay na walang katapusan? Sana hindi mo
kailangang gawin ito dahil napakagaling ng mga computer sa pag-uulit-ulit ng mga bagay para sa iyo. Ito ang "repeat
forever" na block. Anumang nasa loob ng block na ito
ay mangyayari magpakailanman sa laro. Kung gusto nating
gawin ng artista ang isang bagay nang paulit-ulit nang walang ginagawa kahit ano ang manlalaro, ilalagay natin ang
mga block na iyon sa loob ng "repeat forever" na block.
Sa susunod na palaisipang ito, ang ating tunguhin ay tulungan ang
wizard na manmanan ang mga hangganan ng kaharian, kaliwa at kanan nang tuloy-tuloy. Ang pagkatuto kung paano
gumagana ang mga repeat command ang magsasalba iyo ng maraming oras kapag ginawa mo ang sarili mong laro.