Sa palagay mo, paano naadik ang tao, halimbawa sa heroin? Parang tanga lang diba? Obvious naman, heroin ang sanhi ng pagkaadik sa heroin. Ganito yon: kung gagamit ka ng heroin sa loob ng 20 araw, sa ika-21 na araw hahanaphanapin na ng katawan mo ang droga dahil ito sa mga "chemical hooks" nito Yun ang ibig sabihin ng addiction. Pero may problema Ang akala nating alam natin sa addiction ay mali. Halimbawa, pag nabalian ka ng balakang, dadalhin ka sa ospital tatarakan ka ng "diamorphine" sa loob ng ilang linggo or ilang buwan. Ang diamorphine ay heroin Ang totoo, mas malakas na heroin 'to kaysa sa mabibili sa kalye kasi purong puro sya, walang halo. May mga tao ngayon na binibigyan ng sandamakmak na purong heroin sa mga ospital ngayon. Ibig sabihin marami sa kanila ang magiging adik? Pero ayon sa mga pagaaral hindi to nangyayari. Ang lola mo hindi naging adik dahil sa operasyon nya. Paano nangyari yon? Ang nalalaman natin sa addiction ay galing sa mga eksperimento na ginawa sa unang bahagi ng ika-20 siglo. Simple lang ang ginawang eksperimento kumuha ka ng daga, ikulong mo at bigyan ng dalawang bote ng tubig. Ang isa tubig lang ang laman, ang isa naman may cocaine o heroine. Ang karaniwang mangyayari ay babalikbalikan ng daga ang tubig na may droga, babalik-balikkan nya 'to hanggang ikamatay nalang nya to. Pero pag dating ng dekada 70 si Bruce Alexander, isang propesor ng Sikolohiya ay may napansin na problema sa experimento, dahil mag isa lamang ang daga wala syang ibang pwedeng gawin kundi mag droga. Naisip nya, ganon din kaya ang mangyayari kung ibahin natin ang eksperimento? Kaya gumawa sya ng "Rat Park". Parang paraiso para sa mga daga, ginandahan nya ang kulungan may mga bola at ginawang parang playground, marami ding mga kasama at hinayaan sialang mag-sex ng mag-sex. Wala nang hahanapin pa. Pero andoon pa din ang tubig na may droga. Eto ang nakakagulat na nila sa Rat Park halos di galawin ng mga daga ang tubig na may droga. Kung gamitin man, ay paminsan minsan lang at walang daga na na overdose. Pero baka naman daga lang ang ganon. Buti na lang may ganon ding eksperimento sa mga tao. Ang Vietnam War. Mga 20% Amerikanong sundalo sa Vietnam ay gumamit ng heroin. Maraming natakot, dahil akala nila pagbaliik ng mga sundalo magakaroon ng libu-libong mga adik. Pero pagkatapos ng gera sinubaybayan nila ng mga sundalo iba ang napansin nila walang ni-rehab, o kahit withdrawal man lang 95% sa kanila kusang tumigil pag uwi. Kung base sa lumang pagaaral parang malabo 'to. Pero kung maniniwala ka kay Prof. Alexander, malinaw ang lahat, kasi, kung makikipag sagupaan ka sa malyaong kagubatan tapos di mo naman ginusto, at pwede kag mamatay ano mang oras iisipin mo ring parang magandang libangan ang droga; pero pag nakauwi ka na, sa pamilya't kaibigan mo ay parang nakalaya ka din sa kulungan at inilagay sa "Rat Park" na para sa tao; hindi to tunkol sa kemikal, kundi tunkol sa kulungan mo. Dapat nating baguhin natin ang ideya tunkol sa addiction. Ang mga tao ay kailangan ng ibang tao sa paligid nya. Pag tayo ay masaya at malusog makikisalamuha tayo. Pero pag di natin 'to magawa, Dahil nagiisa tayo, o malaki ang dinadala, hahanap tayo nang kahit anong bagay na nakaka pag pasaya sa 'tin. Pwedeng walang tigil na pakikipag text o chat Pwedeng porno, video games, internet, sugal o droga. Basta hahanap tayo ng "ka-bonding" dahil natural yan sa tao Ang paraan na makawala sa masamang koneksyon ay guamawa ng maayos na koneksyon, kumonek sa mga taong gusto mo. Ang addiction is sa lamang tanda ng pagkakalyo sa mga tao nakikita to sa ating paligid. Nararamdaman nating lahat to. Simulla ng Dekada 50, kumonti ang bilang ng mga kaibigan ng karaniwang Amerikano, at pababa ng pababa ang bilang na to. Habang papalaki naman ang kanilang mga bahay naman ay papalaiki ng papalaki. Bahay, kaysa sa kaibigan. Mga kasangkapan kaysa sa kapwa. Halos 100 taon na tayong lumalaban sa droga. at lumalala lang to. Imbes na guamaling ang mga tao at umayos ang buhay, ay tinakwil natin sila, mas naging mahirap para sa kanila magkaroon ng matinong trabaho, inalisan natin sila ng at suporta pag nahuli natin silang tumitira, ikinukulong natin sila sa mga tunay na kulungan, mga taong di maayos ang kalagayan na maslalong sumasama dahil sa pagkamuhi sa kanila dahil silay adik. Lagi na lang ang pagbangon ng mga indibidual ang ang pinaguusapan Pero ngayon dapat, pag usapan ang pagbangon ng lipunan. Kasi may problma tayo bilang isang grupo. Kaliangan ang lipunan natin ay maging tulad ng "Rat Park" at hindi tulad ng mga kulungan. Kaliangang mag bago ang paraan ng ating pamumuhay, at bumalik sa pakikipag kapwa. Ang kabaliktaran ng adik ay hindi paggaling kabaliktaran ay ugnayan. Ang video na to ay nabuo sa pakikipag ugnayan kay Johann Hari ang sumulat sa librong, "Chasing the Scraeam: The First and Last Days on the War on Drugs". Minabuti nyang makipag tulungan sa amin para mapalaganap ang kaisipang ito. Kung pwede sana ay basahin nyo to. Salamat sa Patreon.com sa suporta sa mga video namin. Gung gusto nyo pang makapanood ng iba pa ikatutuwa namin ang inyong suporta. Meron ding interactive na bersyon ng video na to Basahin na lang ang link sa baba