Alam ko ang iniisip ninyo. Sa tingin ninyo, nawawala yata ako at maya maya ay may aakyat sa tanghalang ito at magbabalik sa akin sa dapat kong kaupuan. (Palakpakan) Nangyayari sa akin yan madalas sa Dubai Narito ka ba para magbakasyon? (Tawanan) Binibisita mo ba ang mga anak mo? Gaano ka katagal dito? Sa katunayan, ninanais kong magtagal. Nakatira at nagtuturo ako sa lugar ng Gulf nang mahigit 30 taon. (Palakpakan) At sa mga panahong iyon, nakita ko ang maraming pagbabago. At ang bilang ng mga ito ay nakakapangilabot. At nais kong talakayin sa inyo ngayon ay tungkol sa mga wikang namamatay at ang globalisasyon ng Ingles. Nais kong isalaysay sa inyo ang tungkol sa aking kaibigan na nagtuturo ng Ingles sa mga matatanda sa Abu Dhabi At isang mainam na araw, napagpasyahan nyang dalhin sila sa halamanan para turuan sila ng ilang salita tungkol sa kalikasan. Ngunit sa huli ay siya ang natuto ng lahat ng salitang Arabo para sa mga halaman ng lugar, at kanilang mga gamit-- gamit sa panggagamot, pagpapaganda, pagluluto, at herbal Paano natutunan ng mga mag-aaral ang lahat ng iyon? Tiyak, sa kanilang mga ninuno at maging sa ninuno ng kanilang mga ninuno. HIndi na natin kailangang pag-usapan kung gaano kahalaga ang kakayahang nating makipagtalastasan sa iba't ibang salinlahi. Ngunit ang nakakalungkot, ngayon, ang mga wika ay nagkakamatayan sa hindi kapanipaniwalang bilis. May isang wikang namamatay sa loob ng 14 na araw. Kasabay nito, ang Ingles ang itinuturing na pandaigdigang wika. Mayroon kaya itong kaugnayan sa isa't isa? Yan ang hindi ko alam. Ang alam ko ay nakakita na ako ng maraming pagbabago. Nang una akong makarating sa lugar na ito, nagtungo ako sa Kuwait sa panahong wala pa sa kaayusan ang mga bagay. Sa katunayan, hindi pa ito katagalan. Masyado itong maaga. Gayunpaman, Kinuha ako ng British Council kasama ng humigit-kumulang 25 ibang guro. At kami ang mga unang hindi Muslim na nagturo sa mga pampublikong paaralan sa Kuwait. Pinadala kami para magturo ng Ingles sapagkat nais ng pamahalaan na gawing makabago ang bansang ito at palakasin ang mga mamamayan sa pamamagitan ng edukasyon. At tiyak, ang U.K. ay nakinabang mula sa malaking kayamanan nito sa langis. Okay. At ito ang pinakamalaking pagbabago na aking nakita -- paanong ang pagtuturo ng Ingles ay marahas na nagbago mula sa pagiging kapaki-pakinabang na adhikain sa pagiging isang malakihang pandaigdigang negosyo ngayon. Hindi na lamang ito isang banyagang wika sa kurikulum ng mga paaralan. At hindi na lamang ito pagmamay-ari ng bansang Inglatera. Ito ay nauso sa lahat ng bansang nagsasalita ng Ingles. At bakit hindi? Sa huli, and pinakamagandang edukasyon -- ayon sa huling Hanay ng Pinakamagagaling na Pandaigdigang Pamantasan -- ay matatagpuan sa mga pamantasan ng U.K at ng U.S. Mangyari pa'y ang lahat ay nag-aasam na magkaroon ng karunugan sa Ingles. Ngunit kung ikaw ay hindi likas na nagsasalita ng Ingles, kailangan mong pumasa sa pagsusulit. Ngayon, maaari bang tanggihan ang isang mag-aaral ayon sa kakayahan sa pagsasalita lamang? Halimbawa, mayroong isang computer scientist na napakatalino. Kailangan ba nyang maging kasinggaling sa pagsasalita kagaya ng isang abogado?? Hindi sa tingin ko. HIndi natin tanggap ang mga tulad nila. NIlalagyan natin ng sagabal ang kanilang daanan para sila ay pigilan. Hindi nila maaaring makamit ang kanilang mga minimithi hangga't hindi sila natututo ng Ingles. Hayaan ninyo akong ipaliwanag ito sa ganitong paraan, kung ako ay makakilala ng isang Olandes na ito lamang ang alam na salita, na mayroon siyang alam na gamot sa kanser, dapat ko ba siyang pigilan sa pagpasok sa aking British University? Hindi sa tingin ko. Ngunit sa katunayan, ito ang ating ginagawa sa kasalukuyan. Tayong mga guro ng Ingles ay nagiging tanod. At kailangan muna tayong mapaniwala na ang kanilang kakayahan magsalita ng Ingles ay sapat. Maaaring maging mapanganib ang pagbibigay ng lubos na kapangyarihan sa isang maliit na bahagi ng lipunan. Marahil ang sagabal ay magiging pandaigdigan. Okay. "Ngunit," ang sabi ninyo, "paano naman ang mga pananaliksik? Lahat ng ito'y nasa Ingles." Ang mga aklat ay nasa Ingles, ang mga pahayagan ay nasa Ingles, ngunit lahat ng ito'y katuparan ng kanilang mga pangarap. Ito ay katupdan ng kailanganing Ingles. At ngayon ito'y nagpapatuloy. Ang aking tanong, ano ang nagyari sa pagsasaling-wika? Kung inyong iisipin ang Islamic Golden Age, nagkaroon noon ng malawakang pagsasaling-wka. Nagsaling-wika sila mula sa Latin at Griyego patungo sa Arabe, sa Persyano, at ang mga ito'y isinaling-wika maging sa wikang Aleman ng Europa, at maging sa wikang Romano. At dahil dito, nagliwanag ang Panahon ng Kadiliman sa Europa. Ngayon, huwag ninyo sana akong masamain; Hindi ako salungat sa pagtuturo ng wikang Ingles, ng lahat ng mga gurong naririto ngayon. Sang-ayon ako na mayroon tayong isang pandaigdigang wika. Kailngan natin ito ngayon higit kailanman. Ngunit salungat ako sa paggamit nito bilang isang hadlang. Nais ba talaga natin na mauwi sa 600 na wika lamang at may isang pangunahing wika tulad ng Ingles, o Tsino? Higit ang kailangan natin. Hanggang saan ang magiging hangganan? Ang sistemang ito ay tumutumbas sa karunugan sa kaalaman sa wikang Ingles na hindi na makatwiran. (Palakpakan) At nais kong ipaalala sa inyo na ang mga naglalakihang pangalan na nagdala ng mga karunungan sa kasalukuyang panahon ay hindi kinailangang magkaroon ng kaalaman sa wikang Ingles, hindi nila kinailangang makapasa sa isang Ingles na pagsusulit. Isang halimbawa, si Einstein. Siya, maiba ako, ay itinuring na kakaiba sa kanyang paaralan sapagkat siya, sa katotohanan, ay isang dyslexic. Ngunit kabutihang-palad para sa mundo, hindi niya kinailangang pumasa sa isang pagsusulit sa Ingles. Sapagkat ito ay nagsimula lamang noong 1964 sa pamamagitan ng TOEFL, ang pagsusulit sa Amerikanong Ingles . Ngayon ito ay lumawak na. Laganap na ngayon ang napakaraming uri ng pagsusulit sa Ingles. At milyon milyong mag-aaral ang kumukuha nito bawat taon. At ngayon, maaari mong isipin, ikaw at ako, ang halaga ng mga ito ay hindi masama, sila at nararapat lamang ngunit ito ay nagiging hadlang para sa napakaraming mahihirap na tao. Kaya sa pamamagitan nito, agad nating silang tinatanggihan. (Palakpakan) Naalala ko ang isang ulo ng balita kamakailan lamang: "Edukasyon: Isang Dakilang Tagapaghati." Ngayon naintindihan ko ito, Naunawaan ko kung bakit ang mga tao ay nakapokus sa Ingles. Nais nilang ibigay sa kanilang mga anak ang kaginhawahan sa buhay. Para makamit ito, kailangan nila ng isang Kanluraning karunugan. Sapagkat, syempre, ang pinakamagagandang hanap-buhay ay napupunta sa mga taong galing sa Kanluraning Pamantasan, na akin nang nabanggit kanina. Ito ay paikot-ikot lamang. Okay. Hayaan ninyo akong isalaysay ang isang kwento tungkol sa dalawang siyentipiko, dalawang siyentipikong Ingles. Mayroon silang isang ekperimento sa may kinalaman sa genetika at sa unahan at likurang biyas ng mga hayop. Ngunit hindi nila makuha ang nais nilang kahantungan. Hindi na nila alam ang dapat gawin, hanggang dumating ang isang siyentipikong Aleman na nakapagtanto na sila ay gumagamit ng dalawang magkaibang salita para sa unahan at likurang biyas ng hayop, samantalang sa genetika ay walang pagkakaiba at maging sa wikang Aleman. Kaya ayun, nagkaroon ng kasagutan ang kanilang suliranin. Kung ikaw ay hindi makapag-iisip, ikaw ay hindi na makakagalaw. Ngunit kapag ang ibang wika ay maykakayahang maisip ang kaisipang ito, at, sa pagtutulungan, maaaring malawak ang ating makamit at matutuhan. Ang aking anak na babae, ay nagpunta mula Inglatera patungo sa Kuwait Nag-aral siya ng agham at aghambilang sa salitang Arabe. Ito ay isang paaralang Arabe. Kinailangan niya itong isalin sa Ingles sa kanyang paaralang panggramatika. At siya ang pinakamagaling sa kanyang klase at sa kaniyang mga asignatura. Na nagsasabi sa atin na, kapag ang isang mag-aaral ang nagtungo sa atin mula sa ibang bansa, maaaring hindi natin sila nabibigyang halaga at ang kanilang mga nalalaman, at ang kaalaman nilang ito ay nasa kanilang sariling wika. Kapag ang isang wika ay namatay, hindi natin malalaman kung ano ang nawala kasama ng wikang ito. Ito ay -- Hindi ko alam kung ito ay napanood ninyo sa CNN kamakailan lamang -- ibinigay nila ang Heroes Award sa isang pastol na batang Kenyan na hindi makapag-aral sa gabi sa kanyang pamayanan tulad ng lahat ng ibang bata, sapagkat ang lamparang de gaas kapag ito ay umuusok ay nakakasakit sa kanyang mata. At maging ang gaas ay hindi sapat, sapagkat ano ang mabibili ng isang dolyar isang araw? Kaya lumikha siya ng isang cost-free solar lamp. At ngayon, ang mga kabataan sa kanyang pamayanan ay nakakakuha ng kaparehong marka sa paaralan kagaya ng mga kabataan na mayroong elektrisidad sa kanilang tahanan. (Palakpakan) Nang tanggapin niya ang kanyang parangal, Binanggit niya ang mga wikang ito: "Ang kabataan ay may kakayahang akayin ang Aprika mula sa kalagayan nito ngayon, isang lupain sa kadiliman, patungo sa isang lupain ng kaliwanagan." Isang payak ng ideya, ngunit maaari itong magkaron ng isang makabuluhang kahihinatnan. Ang mga taong walang kaliwanagan, maging ito ay pisikal o metaporikal, ay hindi maaaring makapasa sa ating mga pagsusulit, at hindi natin kailanman matutuklasan ang kanilang mga nalalaman. Huwag nating hayaang masadlak sila at maging tayo sa dilim. Ipagdiwang natin ang pagkakaiba-iba. Intindihin ang iyong sariling wika. Gamitin ninyo ito sa pagpapalaganap ng mga dakilang ideya. (Palakpakan) Maraming salamat sa inyong lahat. (Palakpakan)