1 00:00:01,000 --> 00:00:03,000 Alam ko ang iniisip ninyo. 2 00:00:03,000 --> 00:00:05,000 Sa tingin ninyo, nawawala yata ako 3 00:00:05,000 --> 00:00:07,000 at maya maya ay may aakyat sa tanghalang ito 4 00:00:07,000 --> 00:00:09,000 at magbabalik sa akin sa dapat kong kaupuan. 5 00:00:09,000 --> 00:00:15,000 (Palakpakan) 6 00:00:15,000 --> 00:00:18,000 Nangyayari sa akin yan madalas sa Dubai 7 00:00:18,000 --> 00:00:20,000 Narito ka ba para magbakasyon? 8 00:00:20,000 --> 00:00:22,000 (Tawanan) 9 00:00:22,000 --> 00:00:25,000 Binibisita mo ba ang mga anak mo? 10 00:00:25,000 --> 00:00:27,000 Gaano ka katagal dito? 11 00:00:27,000 --> 00:00:30,000 Sa katunayan, ninanais kong magtagal. 12 00:00:30,000 --> 00:00:33,000 Nakatira at nagtuturo ako sa lugar ng Gulf 13 00:00:33,000 --> 00:00:35,000 nang mahigit 30 taon. 14 00:00:35,000 --> 00:00:39,000 (Palakpakan) 15 00:00:39,000 --> 00:00:43,000 At sa mga panahong iyon, nakita ko ang maraming pagbabago. 16 00:00:43,000 --> 00:00:45,000 At ang bilang ng mga ito 17 00:00:45,000 --> 00:00:47,000 ay nakakapangilabot. 18 00:00:47,000 --> 00:00:49,000 At nais kong talakayin sa inyo ngayon 19 00:00:49,000 --> 00:00:51,000 ay tungkol sa mga wikang namamatay 20 00:00:51,000 --> 00:00:54,000 at ang globalisasyon ng Ingles. 21 00:00:54,000 --> 00:00:56,000 Nais kong isalaysay sa inyo ang tungkol sa aking kaibigan 22 00:00:56,000 --> 00:00:59,000 na nagtuturo ng Ingles sa mga matatanda sa Abu Dhabi 23 00:00:59,000 --> 00:01:01,000 At isang mainam na araw, 24 00:01:01,000 --> 00:01:03,000 napagpasyahan nyang dalhin sila sa halamanan 25 00:01:03,000 --> 00:01:05,000 para turuan sila ng ilang salita tungkol sa kalikasan. 26 00:01:05,000 --> 00:01:07,000 Ngunit sa huli ay siya ang natuto 27 00:01:07,000 --> 00:01:09,000 ng lahat ng salitang Arabo para sa mga halaman ng lugar, 28 00:01:09,000 --> 00:01:11,000 at kanilang mga gamit-- 29 00:01:11,000 --> 00:01:14,000 gamit sa panggagamot, pagpapaganda, 30 00:01:14,000 --> 00:01:17,000 pagluluto, at herbal 31 00:01:17,000 --> 00:01:19,000 Paano natutunan ng mga mag-aaral ang lahat ng iyon? 32 00:01:19,000 --> 00:01:21,000 Tiyak, sa kanilang mga ninuno 33 00:01:21,000 --> 00:01:24,000 at maging sa ninuno ng kanilang mga ninuno. 34 00:01:24,000 --> 00:01:27,000 HIndi na natin kailangang pag-usapan kung gaano kahalaga 35 00:01:27,000 --> 00:01:29,000 ang kakayahang nating makipagtalastasan 36 00:01:29,000 --> 00:01:31,000 sa iba't ibang salinlahi. 37 00:01:31,000 --> 00:01:33,000 Ngunit ang nakakalungkot, ngayon, 38 00:01:33,000 --> 00:01:35,000 ang mga wika ay nagkakamatayan 39 00:01:35,000 --> 00:01:37,000 sa hindi kapanipaniwalang bilis. 40 00:01:37,000 --> 00:01:40,000 May isang wikang namamatay sa loob ng 14 na araw. 41 00:01:41,000 --> 00:01:43,000 Kasabay nito, 42 00:01:43,000 --> 00:01:45,000 ang Ingles ang itinuturing na pandaigdigang wika. 43 00:01:45,000 --> 00:01:47,000 Mayroon kaya itong kaugnayan sa isa't isa? 44 00:01:47,000 --> 00:01:49,000 Yan ang hindi ko alam. 45 00:01:49,000 --> 00:01:52,000 Ang alam ko ay nakakita na ako ng maraming pagbabago. 46 00:01:52,000 --> 00:01:55,000 Nang una akong makarating sa lugar na ito, nagtungo ako sa Kuwait 47 00:01:55,000 --> 00:01:58,000 sa panahong wala pa sa kaayusan ang mga bagay. 48 00:01:58,000 --> 00:02:00,000 Sa katunayan, hindi pa ito katagalan. 49 00:02:00,000 --> 00:02:03,000 Masyado itong maaga. 50 00:02:03,000 --> 00:02:05,000 Gayunpaman, 51 00:02:05,000 --> 00:02:07,000 Kinuha ako ng British Council 52 00:02:07,000 --> 00:02:09,000 kasama ng humigit-kumulang 25 ibang guro. 53 00:02:09,000 --> 00:02:11,000 At kami ang mga unang hindi Muslim 54 00:02:11,000 --> 00:02:14,000 na nagturo sa mga pampublikong paaralan sa Kuwait. 55 00:02:14,000 --> 00:02:16,000 Pinadala kami para magturo ng Ingles 56 00:02:16,000 --> 00:02:20,000 sapagkat nais ng pamahalaan na gawing makabago ang bansang ito 57 00:02:20,000 --> 00:02:23,000 at palakasin ang mga mamamayan sa pamamagitan ng edukasyon. 58 00:02:23,000 --> 00:02:25,000 At tiyak, ang U.K. ay nakinabang 59 00:02:25,000 --> 00:02:28,000 mula sa malaking kayamanan nito sa langis. 60 00:02:28,000 --> 00:02:30,000 Okay. 61 00:02:30,000 --> 00:02:33,000 At ito ang pinakamalaking pagbabago na aking nakita -- 62 00:02:33,000 --> 00:02:35,000 paanong ang pagtuturo ng Ingles 63 00:02:35,000 --> 00:02:37,000 ay marahas na nagbago 64 00:02:37,000 --> 00:02:41,000 mula sa pagiging kapaki-pakinabang na adhikain 65 00:02:41,000 --> 00:02:44,000 sa pagiging isang malakihang pandaigdigang negosyo ngayon. 66 00:02:44,000 --> 00:02:48,000 Hindi na lamang ito isang banyagang wika sa kurikulum ng mga paaralan. 67 00:02:48,000 --> 00:02:50,000 At hindi na lamang ito pagmamay-ari 68 00:02:50,000 --> 00:02:52,000 ng bansang Inglatera. 69 00:02:52,000 --> 00:02:54,000 Ito ay nauso 70 00:02:54,000 --> 00:02:57,000 sa lahat ng bansang nagsasalita ng Ingles. 71 00:02:57,000 --> 00:02:59,000 At bakit hindi? 72 00:02:59,000 --> 00:03:02,000 Sa huli, and pinakamagandang edukasyon -- 73 00:03:02,000 --> 00:03:05,000 ayon sa huling Hanay ng Pinakamagagaling na Pandaigdigang Pamantasan -- 74 00:03:05,000 --> 00:03:07,000 ay matatagpuan sa mga pamantasan 75 00:03:07,000 --> 00:03:11,000 ng U.K at ng U.S. 76 00:03:11,000 --> 00:03:15,000 Mangyari pa'y ang lahat ay nag-aasam na magkaroon ng karunugan sa Ingles. 77 00:03:15,000 --> 00:03:17,000 Ngunit kung ikaw ay hindi likas na nagsasalita ng Ingles, 78 00:03:17,000 --> 00:03:19,000 kailangan mong pumasa sa pagsusulit. 79 00:03:19,000 --> 00:03:21,000 Ngayon, maaari bang 80 00:03:21,000 --> 00:03:23,000 tanggihan ang isang mag-aaral 81 00:03:23,000 --> 00:03:25,000 ayon sa kakayahan sa pagsasalita lamang? 82 00:03:25,000 --> 00:03:27,000 Halimbawa, mayroong isang computer scientist 83 00:03:27,000 --> 00:03:29,000 na napakatalino. 84 00:03:29,000 --> 00:03:32,000 Kailangan ba nyang maging kasinggaling sa pagsasalita kagaya ng isang abogado?? 85 00:03:32,000 --> 00:03:35,000 Hindi sa tingin ko. 86 00:03:36,000 --> 00:03:39,000 HIndi natin tanggap ang mga tulad nila. 87 00:03:39,000 --> 00:03:41,000 NIlalagyan natin ng sagabal 88 00:03:41,000 --> 00:03:43,000 ang kanilang daanan para sila ay pigilan. 89 00:03:43,000 --> 00:03:45,000 Hindi nila maaaring makamit ang kanilang mga minimithi 90 00:03:45,000 --> 00:03:48,000 hangga't hindi sila natututo ng Ingles. 91 00:03:49,000 --> 00:03:52,000 Hayaan ninyo akong ipaliwanag ito sa ganitong paraan, 92 00:03:52,000 --> 00:03:56,000 kung ako ay makakilala ng isang Olandes na ito lamang ang alam na salita, 93 00:03:56,000 --> 00:03:58,000 na mayroon siyang alam na gamot sa kanser, 94 00:03:58,000 --> 00:04:01,000 dapat ko ba siyang pigilan sa pagpasok sa aking British University? 95 00:04:01,000 --> 00:04:03,000 Hindi sa tingin ko. 96 00:04:03,000 --> 00:04:06,000 Ngunit sa katunayan, ito ang ating ginagawa sa kasalukuyan. 97 00:04:06,000 --> 00:04:09,000 Tayong mga guro ng Ingles ay nagiging tanod. 98 00:04:09,000 --> 00:04:12,000 At kailangan muna tayong mapaniwala 99 00:04:12,000 --> 00:04:15,000 na ang kanilang kakayahan magsalita ng Ingles ay sapat. 100 00:04:16,000 --> 00:04:18,000 Maaaring maging mapanganib 101 00:04:18,000 --> 00:04:21,000 ang pagbibigay ng lubos na kapangyarihan 102 00:04:21,000 --> 00:04:23,000 sa isang maliit na bahagi ng lipunan. 103 00:04:23,000 --> 00:04:26,000 Marahil ang sagabal ay magiging pandaigdigan. 104 00:04:26,000 --> 00:04:28,000 Okay. 105 00:04:28,000 --> 00:04:31,000 "Ngunit," ang sabi ninyo, 106 00:04:31,000 --> 00:04:33,000 "paano naman ang mga pananaliksik? 107 00:04:33,000 --> 00:04:35,000 Lahat ng ito'y nasa Ingles." 108 00:04:35,000 --> 00:04:37,000 Ang mga aklat ay nasa Ingles, 109 00:04:37,000 --> 00:04:39,000 ang mga pahayagan ay nasa Ingles, 110 00:04:39,000 --> 00:04:42,000 ngunit lahat ng ito'y katuparan ng kanilang mga pangarap. 111 00:04:42,000 --> 00:04:44,000 Ito ay katupdan ng kailanganing Ingles. 112 00:04:44,000 --> 00:04:46,000 At ngayon ito'y nagpapatuloy. 113 00:04:46,000 --> 00:04:49,000 Ang aking tanong, ano ang nagyari sa pagsasaling-wika? 114 00:04:49,000 --> 00:04:53,000 Kung inyong iisipin ang Islamic Golden Age, 115 00:04:53,000 --> 00:04:56,000 nagkaroon noon ng malawakang pagsasaling-wka. 116 00:04:56,000 --> 00:04:59,000 Nagsaling-wika sila mula sa Latin at Griyego 117 00:04:59,000 --> 00:05:01,000 patungo sa Arabe, sa Persyano, 118 00:05:01,000 --> 00:05:03,000 at ang mga ito'y isinaling-wika 119 00:05:03,000 --> 00:05:05,000 maging sa wikang Aleman ng Europa, 120 00:05:05,000 --> 00:05:07,000 at maging sa wikang Romano. 121 00:05:07,000 --> 00:05:11,000 At dahil dito, nagliwanag ang Panahon ng Kadiliman sa Europa. 122 00:05:12,000 --> 00:05:14,000 Ngayon, huwag ninyo sana akong masamain; 123 00:05:14,000 --> 00:05:16,000 Hindi ako salungat sa pagtuturo ng wikang Ingles, 124 00:05:16,000 --> 00:05:18,000 ng lahat ng mga gurong naririto ngayon. 125 00:05:18,000 --> 00:05:20,000 Sang-ayon ako na mayroon tayong isang pandaigdigang wika. 126 00:05:20,000 --> 00:05:23,000 Kailngan natin ito ngayon higit kailanman. 127 00:05:23,000 --> 00:05:25,000 Ngunit salungat ako sa paggamit nito 128 00:05:25,000 --> 00:05:27,000 bilang isang hadlang. 129 00:05:27,000 --> 00:05:30,000 Nais ba talaga natin na mauwi sa 600 na wika lamang 130 00:05:30,000 --> 00:05:33,000 at may isang pangunahing wika tulad ng Ingles, o Tsino? 131 00:05:33,000 --> 00:05:36,000 Higit ang kailangan natin. Hanggang saan ang magiging hangganan? 132 00:05:36,000 --> 00:05:38,000 Ang sistemang ito 133 00:05:38,000 --> 00:05:41,000 ay tumutumbas sa karunugan 134 00:05:41,000 --> 00:05:44,000 sa kaalaman sa wikang Ingles 135 00:05:44,000 --> 00:05:46,000 na hindi na makatwiran. 136 00:05:46,000 --> 00:05:52,000 (Palakpakan) 137 00:05:52,000 --> 00:05:54,000 At nais kong ipaalala sa inyo 138 00:05:54,000 --> 00:05:57,000 na ang mga naglalakihang pangalan na nagdala 139 00:05:57,000 --> 00:05:59,000 ng mga karunungan sa kasalukuyang panahon 140 00:05:59,000 --> 00:06:01,000 ay hindi kinailangang magkaroon ng kaalaman sa wikang Ingles, 141 00:06:01,000 --> 00:06:03,000 hindi nila kinailangang makapasa sa isang Ingles na pagsusulit. 142 00:06:03,000 --> 00:06:06,000 Isang halimbawa, si Einstein. 143 00:06:07,000 --> 00:06:10,000 Siya, maiba ako, ay itinuring na kakaiba sa kanyang paaralan 144 00:06:10,000 --> 00:06:12,000 sapagkat siya, sa katotohanan, ay isang dyslexic. 145 00:06:12,000 --> 00:06:14,000 Ngunit kabutihang-palad para sa mundo, 146 00:06:14,000 --> 00:06:17,000 hindi niya kinailangang pumasa sa isang pagsusulit sa Ingles. 147 00:06:17,000 --> 00:06:20,000 Sapagkat ito ay nagsimula lamang noong 1964 148 00:06:20,000 --> 00:06:22,000 sa pamamagitan ng TOEFL, 149 00:06:22,000 --> 00:06:24,000 ang pagsusulit sa Amerikanong Ingles . 150 00:06:24,000 --> 00:06:26,000 Ngayon ito ay lumawak na. 151 00:06:26,000 --> 00:06:29,000 Laganap na ngayon ang napakaraming uri ng pagsusulit sa Ingles. 152 00:06:29,000 --> 00:06:31,000 At milyon milyong mag-aaral 153 00:06:31,000 --> 00:06:33,000 ang kumukuha nito bawat taon. 154 00:06:33,000 --> 00:06:35,000 At ngayon, maaari mong isipin, ikaw at ako, 155 00:06:35,000 --> 00:06:37,000 ang halaga ng mga ito ay hindi masama, sila at nararapat lamang 156 00:06:37,000 --> 00:06:39,000 ngunit ito ay nagiging hadlang 157 00:06:39,000 --> 00:06:41,000 para sa napakaraming mahihirap na tao. 158 00:06:41,000 --> 00:06:43,000 Kaya sa pamamagitan nito, agad nating silang tinatanggihan. 159 00:06:43,000 --> 00:06:46,000 (Palakpakan) 160 00:06:46,000 --> 00:06:49,000 Naalala ko ang isang ulo ng balita kamakailan lamang: 161 00:06:49,000 --> 00:06:51,000 "Edukasyon: Isang Dakilang Tagapaghati." 162 00:06:51,000 --> 00:06:53,000 Ngayon naintindihan ko ito, 163 00:06:53,000 --> 00:06:56,000 Naunawaan ko kung bakit ang mga tao ay nakapokus sa Ingles. 164 00:06:56,000 --> 00:06:59,000 Nais nilang ibigay sa kanilang mga anak ang kaginhawahan sa buhay. 165 00:07:00,000 --> 00:07:03,000 Para makamit ito, kailangan nila ng isang Kanluraning karunugan. 166 00:07:03,000 --> 00:07:05,000 Sapagkat, syempre, ang pinakamagagandang hanap-buhay 167 00:07:05,000 --> 00:07:08,000 ay napupunta sa mga taong galing sa Kanluraning Pamantasan, 168 00:07:08,000 --> 00:07:10,000 na akin nang nabanggit kanina. 169 00:07:10,000 --> 00:07:12,000 Ito ay paikot-ikot lamang. 170 00:07:12,000 --> 00:07:14,000 Okay. 171 00:07:14,000 --> 00:07:16,000 Hayaan ninyo akong isalaysay ang isang kwento tungkol sa dalawang siyentipiko, 172 00:07:16,000 --> 00:07:18,000 dalawang siyentipikong Ingles. 173 00:07:18,000 --> 00:07:20,000 Mayroon silang isang ekperimento 174 00:07:20,000 --> 00:07:22,000 sa may kinalaman sa genetika 175 00:07:22,000 --> 00:07:25,000 at sa unahan at likurang biyas ng mga hayop. 176 00:07:25,000 --> 00:07:27,000 Ngunit hindi nila makuha ang nais nilang kahantungan. 177 00:07:27,000 --> 00:07:29,000 Hindi na nila alam ang dapat gawin, 178 00:07:29,000 --> 00:07:32,000 hanggang dumating ang isang siyentipikong Aleman 179 00:07:32,000 --> 00:07:35,000 na nakapagtanto na sila ay gumagamit ng dalawang magkaibang salita 180 00:07:35,000 --> 00:07:37,000 para sa unahan at likurang biyas ng hayop, 181 00:07:37,000 --> 00:07:41,000 samantalang sa genetika ay walang pagkakaiba 182 00:07:41,000 --> 00:07:43,000 at maging sa wikang Aleman. 183 00:07:43,000 --> 00:07:45,000 Kaya ayun, 184 00:07:45,000 --> 00:07:47,000 nagkaroon ng kasagutan ang kanilang suliranin. 185 00:07:47,000 --> 00:07:49,000 Kung ikaw ay hindi makapag-iisip, 186 00:07:49,000 --> 00:07:52,000 ikaw ay hindi na makakagalaw. 187 00:07:52,000 --> 00:07:54,000 Ngunit kapag ang ibang wika ay maykakayahang maisip ang kaisipang ito, 188 00:07:54,000 --> 00:07:56,000 at, sa pagtutulungan, 189 00:07:56,000 --> 00:07:59,000 maaaring malawak ang ating makamit at matutuhan. 190 00:08:01,000 --> 00:08:03,000 Ang aking anak na babae, 191 00:08:03,000 --> 00:08:06,000 ay nagpunta mula Inglatera patungo sa Kuwait 192 00:08:06,000 --> 00:08:09,000 Nag-aral siya ng agham at aghambilang sa salitang Arabe. 193 00:08:09,000 --> 00:08:12,000 Ito ay isang paaralang Arabe. 194 00:08:12,000 --> 00:08:15,000 Kinailangan niya itong isalin sa Ingles sa kanyang paaralang panggramatika. 195 00:08:15,000 --> 00:08:17,000 At siya ang pinakamagaling sa kanyang klase 196 00:08:17,000 --> 00:08:19,000 at sa kaniyang mga asignatura. 197 00:08:19,000 --> 00:08:21,000 Na nagsasabi sa atin 198 00:08:21,000 --> 00:08:23,000 na, kapag ang isang mag-aaral ang nagtungo sa atin mula sa ibang bansa, 199 00:08:23,000 --> 00:08:25,000 maaaring hindi natin sila nabibigyang halaga 200 00:08:25,000 --> 00:08:27,000 at ang kanilang mga nalalaman, 201 00:08:27,000 --> 00:08:30,000 at ang kaalaman nilang ito ay nasa kanilang sariling wika. 202 00:08:30,000 --> 00:08:32,000 Kapag ang isang wika ay namatay, 203 00:08:32,000 --> 00:08:35,000 hindi natin malalaman kung ano ang nawala kasama ng wikang ito. 204 00:08:35,000 --> 00:08:39,000 Ito ay -- Hindi ko alam kung ito ay napanood ninyo sa CNN kamakailan lamang -- 205 00:08:39,000 --> 00:08:41,000 ibinigay nila ang Heroes Award 206 00:08:41,000 --> 00:08:44,000 sa isang pastol na batang Kenyan 207 00:08:44,000 --> 00:08:47,000 na hindi makapag-aral sa gabi sa kanyang pamayanan 208 00:08:47,000 --> 00:08:49,000 tulad ng lahat ng ibang bata, 209 00:08:49,000 --> 00:08:51,000 sapagkat ang lamparang de gaas 210 00:08:51,000 --> 00:08:53,000 kapag ito ay umuusok ay nakakasakit sa kanyang mata. 211 00:08:53,000 --> 00:08:56,000 At maging ang gaas ay hindi sapat, 212 00:08:56,000 --> 00:08:59,000 sapagkat ano ang mabibili ng isang dolyar isang araw? 213 00:08:59,000 --> 00:09:01,000 Kaya lumikha siya 214 00:09:01,000 --> 00:09:04,000 ng isang cost-free solar lamp. 215 00:09:04,000 --> 00:09:06,000 At ngayon, ang mga kabataan sa kanyang pamayanan 216 00:09:06,000 --> 00:09:08,000 ay nakakakuha ng kaparehong marka sa paaralan 217 00:09:08,000 --> 00:09:12,000 kagaya ng mga kabataan na mayroong elektrisidad sa kanilang tahanan. 218 00:09:12,000 --> 00:09:18,000 (Palakpakan) 219 00:09:18,000 --> 00:09:20,000 Nang tanggapin niya ang kanyang parangal, 220 00:09:20,000 --> 00:09:22,000 Binanggit niya ang mga wikang ito: 221 00:09:22,000 --> 00:09:25,000 "Ang kabataan ay may kakayahang akayin ang Aprika mula sa kalagayan nito ngayon, 222 00:09:25,000 --> 00:09:27,000 isang lupain sa kadiliman, 223 00:09:27,000 --> 00:09:29,000 patungo sa isang lupain ng kaliwanagan." 224 00:09:29,000 --> 00:09:31,000 Isang payak ng ideya, 225 00:09:31,000 --> 00:09:34,000 ngunit maaari itong magkaron ng isang makabuluhang kahihinatnan. 226 00:09:35,000 --> 00:09:37,000 Ang mga taong walang kaliwanagan, 227 00:09:37,000 --> 00:09:40,000 maging ito ay pisikal o metaporikal, 228 00:09:40,000 --> 00:09:43,000 ay hindi maaaring makapasa sa ating mga pagsusulit, 229 00:09:43,000 --> 00:09:46,000 at hindi natin kailanman matutuklasan ang kanilang mga nalalaman. 230 00:09:46,000 --> 00:09:49,000 Huwag nating hayaang masadlak sila at maging tayo 231 00:09:49,000 --> 00:09:51,000 sa dilim. 232 00:09:51,000 --> 00:09:54,000 Ipagdiwang natin ang pagkakaiba-iba. 233 00:09:54,000 --> 00:09:57,000 Intindihin ang iyong sariling wika. 234 00:09:57,000 --> 00:10:01,000 Gamitin ninyo ito sa pagpapalaganap ng mga dakilang ideya. 235 00:10:01,000 --> 00:10:08,000 (Palakpakan) 236 00:10:08,000 --> 00:10:10,000 Maraming salamat sa inyong lahat. 237 00:10:10,000 --> 00:10:13,000 (Palakpakan)