Okay, matututo tayong mag-program gamit ang
isang drag-at-drop na wika na tinatawag na
Blockly. Ang Blockly ay gumagamit ng mga makukulay
na tagubilin na tinatawag na mga block upang bumuo
ng mga program, na magagamit mo sa paglutas
ng mga palaisipan. Sa loob nito, ikaw pa rin
ay gumagawa ng code. Ang bawat palaisipang malulutas mo
gamit ang code ay nahahati sa apat na pangunahing
mga bahagi. Sa kaliwa ay ang play area,
kung saan tatakbo ang program mo. Sa gitna,
makikita mo ang lugar ng toolbox na naglalaman
ng lahat ng mga block na kakailanganin mo sa
bawat palaisipan. Sa kanan ay ang workspace mo,
kung saan ka magda-drag ng mga block upang
bumuo ng program mo. Sa wakas, sa itaas ng
workspace, makikita mo ang partikular na
mga tagubilin sa bawat palaisipan. Huwag mag-alala
kung hindi mo sinasadyang na-drag ang isang block
na hindi mo kailangan. Kung mayroon kang
iba pang block, i-drag lang ito pabalik sa
toolbox upang alisin ito. Pagkatapos mong pindutin ang
run maaari mong palaging pindutin ang reset button upang
ibalik ang karakter mo sa simula para masubukan ulit!