Matututunan nating ngayon ang mga if statement. Ang mga if statement ay pundamental na bahagi ng pagkatuto na mag-program. Tumutulong sila sa computer na magdesisyon. Gumagamit ng mga if statement ang lahat ng mga computer, pati telepono ko. Halimbawa, kapag in-unlock ko ang telepono ko, pinaaandar nito ang ilang code na nagsasabi kung inilagay ko ang password nang tama, mag-a-unlock ang telepono. Kundi, mayroong error message. Magagamit mo ang mga if statement sa code mo upang tumugon sina Steve at Alice sa kung ano ang nakikita nila sa mundo. Halimbawa, kung may bato sa harap nila, maaari silang lumiko pakaliwa. O lumiko pakanan kung masalubong nila ang isang puno. Sa kasong ito, hindi natin gustong mahulog sa lava. Madaling magplano para sa lava. Makikita natin ito sa screen. Ngunit paano sa lava na hindi natin makikita sa ilalim ng bato? Pagkatapos nating minahin ang bato, kailangan nating tingnan kung may anumang lava sa lugar na iyan bago gumalaw pasulong. Kung may lava doon, gusto nating ilagay ang bato sa harap ng ating karakter bago gumalaw pasulong. Sa paraang iyan maaari tayong ligtas na gumalaw. Oras na para sa mas maraming pagmimina! At tandaan na gamitin ang if statement upang tingnan ang nilalakaran mo.