Nang mag simulang awitin ng anghel ang awiting iyon na tila tinatawag niya lahat ng mga anghel ng Diyos na maghanda sa digmaan! (♪ Ikaw ang Makapangyarihan sa lahat ♪) at narinig ko ang tinig ng mga anghel! nanginginig ang aking buong katawan! hindi ko malaman ang aking gagawin! ang pag opera ay ginawa ni Hesu Kristo! [♪ Anointed Song ♪] Malugod namin kayong tinatanggap sa Synagogue Church Of All Nations dito sa Thessalonica. Maari po ba ninyong sabihin ang inyong pangalan at kung taga saan po kayo Emmanuel! Ako po ay si Nikos Politis, ako ay 39 taong gulang na taga Thessalonica Inaasahan naming marining ang inyong magandang testimonya nang may higit na pananabik! Ang aking testimonya ay ganito: noong makalipas na dalawang buwan nagising ako sa isang panaginip. iyon ay noong ika sampu ng Pebrero, 2022 Ginising ako ng aking panaginip; na kung saan ako higit na namangha! at ako ay hidit na emosyonal dahil sa aking makita! Ang nakita ko ay-- Nagsimula ang panaginip na ako ay nakatayo sa harap ng isang bata na 7 o 8 taong gulang sa tingin ko. At nilapitan ko sya para kausapin Kapag lumapit ka sa bata upang makipag kilala, balak mo ay tanungin ang pangalan nya, ano gusto nila gawin o ano pa man. Habang papalapit ako sa kanya, narinig ko syang mag salita. At ang lahat ng kaniyang sinasabi ay magagandang salita! Iyon ay mga aral at karunungan! Sadyang napakaraming aral at karunungan sa kanyang mga sinasabi. Hindi ko na maalala mga sinabi nya, Ang nauunawaan ko ay hindi tugma ang nasasaloob nya sa nakikita sa panlabas! Nasabi ko sa sarili ko, "Bakit makikipag kilala ka sa bata na mas matalino pa kesa sa iyo!" Ako ay higit na humanga! Subalit ako ay naupo na magkaharap ang aming mga upuan. At nag umpisa akong magpakilala. Sabi ko'y "Hi! Ano ang ngalan mo?". Subalit hindi nya sinasabi ang pangalan nya! Nasabi kong "Halimbawa, ang ngalan ko'y Nikos". At tumango sya na nangangahulugan na "Oo, nauunawaan ko ang sinasabi mo". Nasabi kong, "Mabuti naman, magsabi pa ako ng isa pang tanong". "Ano ang nais mong gawin?" At tinanong niya ako, "Anong ibig mong sabihin?". At sabi ko, "Halimbawa, gusto ko ng musika!" Sa pagkakataong iyon iniabot nya ang kanyang kamay sa akin at nakipag kamay. Napansin ko - nang kinamayan ko sya - na ang kamay nya ay nakakabit sa braso ng nasa likod nya, na nakita ko lamang sa pagkakataon na iyon Ang nakatayo sa kanyang likod ay tila kamukha ni Hesus! Mayroon syang mahabang buhok, may suot na tunic, at na aninag ko ang kanyang mukha at sya ang may hawak sa kanang kamay ng bata na nakipag kamay sa akin. Matapos ang aming kamayan, sabi ng bata, "Hmm, musika..." Sa pagkakataong iyon may screen na lumabas sa may ibabaw ng kanyang ulo, at biglang may nakita akong isang pigura. Ang pigurang iyon ay anghel na may maitim na buhok na naka suot ng uniporme ng militar. Subalit hindi ito tulad ng alam natin; hindi Khaki o camouflage - na tulad ng alam natin dito sa mundo Ang kanyang suot ay uniporme ng kawal pang maharlika Pinagmasdan ko sya at naunawaan na hindi sya ordinaryong anghel kundi isang arkanghel! ibig sabihin, may mga anghel sa ilalim ng kanyang awtoridad. At habang minamasdan lahat ng ito, walang sinomang kailangan magpaliwanag sa akin nito bagamat ito ay ipinakita sa akin bilang sagot, na tila may nagsasabi sa akin, sa pagmamasid lamang sa kanila. At nakita ko nga ang anghel na ito, naka suot ng tunic na may dekorasyon ng silver na tribal pattern! Ang kanyang uniporme ay napapalibutan ng silver patterns; may ginto at may pilak. Napaka ganda! At may napansin ako na hindi ko pa nakita dito sa lupa; ito ay ang kanyang buhok! Ang kanyang buhok ay itim na itim at kulot, abot sa kanyang baywang; mahabang buhok! Pero napaka ganda at makintab, napaka espesyal kayat-- Alam lalo ng mga babae ilang oras man nila suklayin ang kanilang buhok, ay nagugusot pa rin at hindi nagiging maayos. Pero ang buhok na ito, maski na kulot, ay sadyang maayos! Wala ni isang buhok ang hindi nakahanay tulad ng iba! Masyado akong napamangha dito! At napaka kintab; ang buhok nya kumikinang, malusog! At sa pagkakataong iyon, Nakita ko iyong anghel - dahil iyon ang sagot na bigay sa akin sa puso ko, na sya ay arkanghel at isang kawal- at nakatingala sya sa langit at nag simula syang umawit! Nang simula ay umawit syang mag isa. At nagsimula kong marinig ang kanyang sinasabi. Kaming mga musikero ay nakaka alam ng mga sukat sa awit. Kung kayat matapos ang unang sukat, humalo na rin ang mga musika! At sa pagkakataong iton, habang lahat ay nagpapatuloy, ay napapansin ko-- Maari mo bang sabihin sa amin ano sinasabi ng anghel? Sinimulan ng arkanghel ang awit sa salitang, "Ikaw ang makapangyarihang DIYOS!"! [Palakpakan] At upang ipakita sa inyo ang himig, he said; nakatayo syang mag isa, na naka tingin sa langit at sinabing, "♪ Ikaw ang makapangyarihang DIYOS ♪" At habang pinakikinggan mo ang pag awit ng arkanghel, ano ang nangyari? Sa pagkakataon na iyon, matapos nya sambitin nang dalawang beses, nagpatuloy ang arkanghel sa pag awit at napakalaking choir at banda ang sumali sa kanya! May mga violin, nakakamanghang ritmo; lahat ay mayroon sila! At nakita ko sa ilalim ng anghel na umaawit, libo libong anghel ay nag simulang magtipon! At nag tipon sila nang nag tipon, hanggang sa dumami sila na hindi mo na sila mabibilang! libo libo sila, milyon milyon! At habang patulog ang awit at palakas nang palakas ay naging tawag ito ng paghahanda sa dimaan! Digmaan sa langit! At malinaw kong na aalala nang magsimula ang arkanghel na umawit, halintulad sa digmaan, nang hipan ang trumpeta o tumunog ang trumpeta at nagsimula ang digmaan! at tila nga naririnig mo ang kahalintulad nito! Habang sinasabi nyang' "Ikaw ang makapangyarihang DIYOS", ay tila tinatawag nya ang mga anghel ng Diyos sa pakikidigma! Sa pagkakataong iyon na tinatanggap ko itong mga impormasyon; ramdam ko ay di ako makapaniwala dahil di lamang nakikita ko ang aking nakikita subalit natatanggap ko rin ang impormasyon ukol sa musika na aking naririnig! Ang himig, ang ritmo, mga instrumentong gamit! Ipina alam din sa akin ang mga effects na ginamit; naririnig ko ang effects, at nailagay ko ito sa aking memorya, Upang ma likha ko ito nang tumpak dito sa lupa! At ang panaginip ay natapos sa tagpong - nagtipon tipon ang mga anghel! Nagiging ako kinaumagahan -nasa tabi ang asawa ko- at sinabi kong, "Asawa ko, isang anghel ng Diyos ang nagbigay sakin ng awitin!' Ako ay emosyonal, umiiyak ako habang pilit na inaawit ito, ramdam ko ang presensya ng Diyos! At nagumpisa akong umiyak; Hindi ko ito maupisahang awitin, Sadyang naging mahirap sakin na awitin ito dahil ramdam ko ang presensya ng Diyos at ako ay naiiyak. lubos na paghanga, hindi ordinaryong karanasan! Nagawa mo bang isalin ang awitin mula sa daigdig ng esperituwal sa mundong pisikal? kinailangan kong idagdag ito nang magising ako, nananalig akong kailangan mabuo ito! Hindi sya lumapit sa akin para ibigay ang awitin na walang dahilan; kailangan ko itong gawin. at ramdam kong ito ay aking responsibilidad! Kailangan itong matapos! Di ko ito dapat ipa isantabi at pabayaan lang! Bilang isang musikero at miyembro ng simbahan at choir, ramdam ko ang responsibilidad, dapat itong maisagawa ano man ang mangyari! Kaya inumpisahan kong gawin bawat hakbang, ngayon lamang ako lumikha ng musika nang ganito kabilis, at natural; at lahat ay nakahanda na! Nakagawa ka na ba ng musika, ng himno tulad nyan sa nakaraan? Nakapag sulat ako at lumikha ng maraming Christian songs. At alam natin lahat ng mga awiting iyon-- Ang mga karaniwang phrases na gamit ay tulad ng, "Salamat Panginoon, Ikaw ay naipako! Mahal ka namin Panginoon, salamat sa Iyo" mga gaya nyan. Pero ang awiting ito, ang bawat salita ay may malaking kaha;agahan! Maaaring sa ilang kahulugan ang mga salita ay karaniwang ginagamit- "Ikaw ang makapangyarihang DIYOS". Lahat tayo ay sanay na sa mga salitang ito at baka dati pa natin itong ginamit. Ngunit sa partikular na sitwasyong ito, sa partikular na anyo na ibinigay ito, ang salitang ito ay may ibang saklaw, ibang kapangyarihan! Bawat salita -"Banal"-, bawat salitang binibigkas ay isang salitang binibigkas nang may pananampalataya! Ito ay salitang binigkas nang may kapangyarihan! Hindi ito katulad ng mga naunang kanta ko - hayaan mo akong sabihin iyon! Iba talaga! Ito ay, sa paraang gusto kong sabihin ito, isang "espesyal na pagkakasunud sunod". Ito ay espesyal na utos mula sa Langit! Amen? [Palakpakan] Kapag may espirituwal na nagaganap, isang bagay na ayon sa kalooban ng Diyos, ito ay unang nagaganap sa Langit -tulad ng disenyo ng awiting ito, halimbawa- at pagkatapos ay nagaganap ito sa lupa, sa pisikal na mundo. Ang langit at lupa ay maaaring maging isa! Tayo ang extension ng Langit! Anuman ang nagaganap dito ngayon ay naganap na sa Langit! May Sinagogang Simbahan Ng Lahat ng Bansa sa Langit! Gusto mo bang panoorin natin ang tunay na nangyari nang itanghal ng aming koro ang mismong awiting ito noong nakaraang Linggo? Panoorin natin ang ating mga screen! ♪ [ Musika ♪ ]