Preston: Hindi ako nagyayabang pero magaling ako sa parkour. Lizzy: Matulog tayo para araw kapag bumalik si Stacy. Stacy: Okey, mga igan, bumalik na ako mula sa mga opisina ng Minecraft at sa tingin ko alam ko na kung paano lutasin ang problema na mayroon ako sa laro ko. Sa tingin ko maaari akong gumamit ng function. Bubuksan ko lang ito. Ang function ay isang espesipikong set ng mga tagubilin upang gawin ang isang tiyak na gawain, para bang isang recipe. Sa susunod na ilang lebel, magkakaroon ka ng access sa mga function na maaari mong gamitin upang lutasin ang mga palaisipan. Tingnan ang code sa function kapag nasa workplace ito upang makita kung ano ang ginagawa nito. Saka, hanapin ang block na may pangalang iyan sa toolbox at i-drag ito mula sa toolbox sa "when run" na block. Tandaan, maaari mong gamitin ang parehong function sa bawat pagkakataon na kailangan mo upang paandarin ang parehong set ng mga tagubilin upang gumawa ng isang bagay tulad ng paggawa ng tulay. Suwertehin ka, alam kong magagawa mo ito!