Oras ng Code | Dance Party: Warm Up (Miral, Dancer and Software Developer, Created iLuminate) - Hi! Ako si Miral Kotb, ako'y dancer, software developer, at tagalikha ng iLuminate. Kaya, ang computer science ay kaugnay sa pagkamalikhain sa maraming paraan. Hindi nasusukat, talaga. Kapag may kakayahan kang sumulat ng software, mailalagay mo ang ideya saanman. Ginagawa ko ito sa mga kasuotang may ilaw. Marami kang magagawa kapag may tool kang sumulat ng software, at ang posibilidad ay talagang walang hanggan. Sa susunod na oras, magsisimula ka sa computer science sa pag-program sa iyong sariling dance pary! Tinipon namin ang sikat na musika at isang team ng magagaling na dancer para laruin. Gagamit ka ng block ng code para piliin mga dancer, baguhin ang kanilang pagsayaw, Patugunin sila sa musika, at gawin silang interactive. Makikita mo na hinahati sa 3 pangunahing bahagi ang iyong screen. Sa kaliwa ay ang espasyo ng laro. Dito magpapakita ang iyong mga dancer. Ang gitnang bahagi ay ang toolbox. Ang bagong block ng code ay nasa espasyong ito habang nagpapatuloy ka sa mga leksyon. Ang espasyo sa kanan ay ang workspace. Pwedeng hilahin ang block mula sa toolbox at papunta sa workspace para mag-program. Ang mga tagubilin para sa bawat lebel ay nasa itaas ng screen. Kung kailangan mo ng hint, i-click ang bumbilya. Para mag-umpisa, gagawa tayo ng bagong dancer sa pulang block na ito. Una, hatakin palabas ng toolbox at i-snap sa ilalim nitong kahel na “setup” block. Ang dancer na ito ay isang pusa at ito ay “my_first_dancer”. Pwedeng palitan ang pangalan sa anumang gusto mo sa pag-click dito. Pwede ring baguhin saan lalabas ang dancer sa iyong espasyo ng laro gamit ito. Ang itaas ng espasyo ng laro ay ang menu sa pagpili ng musika. Maraming awit na pagpipilian kaya hanapin ang iyong mga paborito. Sa ilalim ng espasyo ng laro ay ang run button. Pag pinindot ang run, makikita ang dancer sa iyong program na lalabas sa laruan at tutugtog ang musika. [Music] Subukan mo nang ikaw lang! At kung pakiramdam mo hindi ka makakagalaw, okay lamang! Bumangon at patuloy na gumalaw, at bago mo mapansin, nagawa na ang sariling dance party. Kaya, ano ang lilikhain mo?