Oras ng Code | Dance Party: Warm Up
(Miral, Dancer and Software Developer,
Created iLuminate) - Hi!
Ako si Miral Kotb, ako'y dancer, software
developer, at tagalikha ng iLuminate.
Kaya, ang computer science ay kaugnay sa
pagkamalikhain sa maraming paraan.
Hindi nasusukat, talaga.
Kapag may kakayahan kang sumulat ng
software, mailalagay mo ang ideya saanman.
Ginagawa ko ito sa mga kasuotang may ilaw.
Marami kang magagawa kapag may tool kang
sumulat ng software, at ang posibilidad
ay talagang walang hanggan.
Sa susunod na oras, magsisimula ka sa
computer science sa pag-program
sa iyong sariling dance pary!
Tinipon namin ang sikat na musika at isang
team ng magagaling na dancer para laruin.
Gagamit ka ng block ng code para piliin
mga dancer, baguhin ang kanilang pagsayaw,
Patugunin sila sa musika, at gawin silang
interactive.
Makikita mo na hinahati sa 3 pangunahing
bahagi ang iyong screen.
Sa kaliwa ay ang espasyo ng laro.
Dito magpapakita ang iyong mga dancer.
Ang gitnang bahagi ay ang toolbox.
Ang bagong block ng code ay nasa espasyong
ito habang nagpapatuloy ka sa mga leksyon.
Ang espasyo sa kanan ay ang workspace.
Pwedeng hilahin ang block mula sa toolbox
at papunta sa workspace para mag-program.
Ang mga tagubilin para sa bawat lebel ay
nasa itaas ng screen.
Kung kailangan mo ng hint, i-click ang
bumbilya.
Para mag-umpisa, gagawa tayo ng bagong
dancer sa pulang block na ito.
Una, hatakin palabas ng toolbox at i-snap
sa ilalim nitong kahel na “setup” block.
Ang dancer na ito ay isang pusa at ito
ay “my_first_dancer”.
Pwedeng palitan ang pangalan sa anumang
gusto mo sa pag-click dito.
Pwede ring baguhin saan lalabas ang dancer
sa iyong espasyo ng laro gamit ito.
Ang itaas ng espasyo ng laro ay ang menu
sa pagpili ng musika.
Maraming awit na pagpipilian kaya
hanapin ang iyong mga paborito.
Sa ilalim ng espasyo ng laro
ay ang run button.
Pag pinindot ang run, makikita ang dancer
sa iyong program na lalabas sa laruan
at tutugtog ang musika.
[Music]
Subukan mo nang ikaw lang!
At kung pakiramdam mo hindi ka
makakagalaw, okay lamang!
Bumangon at patuloy na gumalaw, at bago mo
mapansin, nagawa na ang sariling dance
party.
Kaya, ano ang lilikhain mo?