MARCEL DZAMA: PAG-AYOS NG KAGULUHAN May kalumaan na ang mga kasuotang ito. [tawa] Itong isa na 'to ay pang-Halloween lang. [kalabit] Siguro ay may ugali ako mag-bunton ng mga gamit. At isa iyon sa mga bagay na hindi ko na-iangkop sa pagiging taga-New York --ang magbawas ng mga kagamitan kasimbilis nang laki ng iyong apartment. [musika] Dati akong taga Winnipeg, Canada. Sobrang lamig ang tag-lamig doon at nagtatagal ito ng halos kalahating taon Ang hirap magtipon para makipagsalamuha dahil humahadlang ang panahon kaya nagiging mag-isa ka lamang. Palagi akong nagku- kulay noong bata ako. Palagi akong gumu- guhit ng mga halimaw. Kahit na anong anyo, mapa- taong lobo man 'yan o kaya si Dracula. [musika] Gumawa ako ng sarili kong mundo para lang may magawa ako. [musika] Kasi ang pamumuhay sa Winnepeg, lalo na sa taglamig, ang kagiliran at lupa ay nagiging isa. Kaya parang makikita mo ay isang blankong pahina. At mangyaring may naglakad dito , nagmumukha ito na parang isang blankong papel na may pigura. At sa tingin ko talaga ay wala akong kamalay-malay na na-impluwensyahan na nito ang aking estilo. Noong ako pa ay nag-aaral pa lamang, naninirahan pa ako sa aking mga magulang. Mayroon akong malalaking obra sa tabla mula sa farm ng aking lolo. Sumira siya ng isang bahay at ginamit ko ang mga kahoy mula doon at pinintahan ito gamit ang mga pintura. Nagkaroon ng sunog sa aming bahay. Nawala lahat ang aking mga likha pati na rin ang aking mga kagamitan. Kaya't nagsimula akong gumihit sa mga hotel stationery at iyon ang aking naging thesis. ["The Royal Art Lodge" kolaborasyon] Doon ako nasimulang nakilala sa mga likha na iyon, mga mag-isang background na may onting bagay. Mula nang mangyari ang sunog, may pakiramdam talaga ng malaking kawalan. Pero meron din posibilidad, at sa ilang paraan, naging mas madali ang paglipat sa New York. Madalas akong gumamit ng pula at kayumangging kulay dati. Ngayon ay mas gumagamit ako ng asul. Gumawa rin ako ng mga politikal na obra sa panahon ni Bush at ng digmaan sa Iraq. Sa panahon ni Trump, naramdaman kong dapat matulog. Kailangan kong mai-alis ang lahat ng mga nasa balita ng araw na iyon, at kailangan ko itong mailabas. Isinama ko ang imaheng Dada dahil may bahid ito ng suklam ng unang digmaang pandaigdig. Naisip kong magandang panahon ito para sa kasuklaman ng nangyayari [tawa] sa panahon ng pulitika ngayon.