MARCEL DZAMA: PAG-AYOS NG KAGULUHAN
May kalumaan na ang mga kasuotang ito.
[tawa]
Itong isa na 'to ay
pang-Halloween lang.
[kalabit]
Siguro ay may ugali ako
mag-bunton ng mga gamit.
At isa iyon sa mga bagay
na hindi ko na-iangkop
sa pagiging
taga-New York
--ang magbawas ng mga
kagamitan kasimbilis
nang laki ng iyong apartment.
[musika]
Dati akong taga
Winnipeg, Canada.
Sobrang lamig ang
tag-lamig doon
at nagtatagal ito ng
halos kalahating taon
Ang hirap magtipon
para makipagsalamuha
dahil humahadlang
ang panahon
kaya nagiging mag-isa
ka lamang.
Palagi akong nagku-
kulay noong bata ako.
Palagi akong gumu-
guhit ng mga halimaw.
Kahit na anong anyo,
mapa- taong lobo man 'yan
o kaya si Dracula.
[musika]
Gumawa ako ng sarili
kong mundo para lang
may magawa ako.
[musika]
Kasi ang pamumuhay
sa Winnepeg,
lalo na sa taglamig,
ang kagiliran at lupa
ay nagiging isa.
Kaya parang makikita mo ay
isang blankong pahina.
At mangyaring may naglakad dito ,
nagmumukha ito
na parang isang blankong papel
na may pigura.
At sa tingin ko talaga ay
wala akong kamalay-malay
na na-impluwensyahan na nito
ang aking estilo.
Noong ako pa ay nag-aaral pa lamang,
naninirahan pa ako sa aking mga magulang.
Mayroon akong malalaking obra sa tabla
mula sa farm ng aking lolo.
Sumira siya ng isang bahay
at ginamit ko ang mga kahoy mula doon
at pinintahan ito gamit ang mga pintura.
Nagkaroon ng sunog sa aming bahay.
Nawala lahat ang aking mga likha
pati na rin ang aking mga kagamitan.
Kaya't nagsimula akong gumihit
sa mga hotel stationery
at iyon ang aking naging thesis.
["The Royal Art Lodge" kolaborasyon]
Doon ako nasimulang nakilala
sa mga likha na iyon,
mga mag-isang background
na may onting bagay.
Mula nang mangyari ang sunog,
may pakiramdam talaga ng malaking kawalan.
Pero meron din posibilidad,
at sa ilang paraan, naging mas madali
ang paglipat sa New York.
Madalas akong gumamit ng pula
at kayumangging kulay dati.
Ngayon ay mas gumagamit ako ng asul.
Gumawa rin ako ng mga politikal na obra
sa panahon ni Bush at ng digmaan sa Iraq.
Sa panahon ni Trump, naramdaman kong
dapat matulog.
Kailangan kong mai-alis ang lahat
ng mga nasa balita ng araw na iyon,
at kailangan ko itong mailabas.
Isinama ko ang imaheng Dada dahil
may bahid ito ng suklam ng
unang digmaang pandaigdig.
Naisip kong magandang panahon ito
para sa kasuklaman ng nangyayari [tawa]
sa panahon ng pulitika ngayon.