[piano] Hi Kamusta Magandang umaga Kamusta magagandang subscribers Ngayong araw, isasama ko kayo sa aking araw Kaunti lang ang aking makeup dahil may ilan akong meeting ngayong araw kaso dumadami ang aking breakout at sensitibo ang aking balat at ngayon mas lumalala ang aking acne sa noo, sa hairline, sa ilong at baba at sa may bibig ni hindi ko alam na may pores pala doon Gusto ko lang bigyan ng pahinga ang aking mukha May midterm ako mamaya Unang midterm ngayong quarter, at medyo kabado ako dahil hindi ako ganoon kahanda Kaya tapos nito mag-aaral pa ako ng kaunti Kung kilala mo ko sa personal alam mo na na ako ang tunay na master procrastinator sa lahat ng procrastinator Ahahahahaha [tunog ng camera shutter] [tunog ng piano] at eto na ang aking final look Mukha akong nanay sa itsura ko pero yun na nga ang peg ah, at tignan ninyo ang aking hikaw na sinuot Si Togepi Luto tayo ng almusal [camera shutter] [Jazz cover ng "Don't Know Why" ni Jesse Harris and The Ferdinandos (1999)] Parang napadami [musika] [musika] Mayroon pa akong isa at kalahating oras bago ang aking midterm kaya't ako muna ay magcacram! Simulan ang kasipagan! [musika] [musika] Huh Ahhhh [camera] Tapos na ako! [pagod] Woo! Hindi ko alam kung ok ang mga puntos ko mas mahirap kaysa sa inakala ko kahit na open-notes pa Pero masaya na din ako na natapos na Sabaw na sabaw na ko Pananghalian na! [camera shutter] [lofi jazz] Upo! Magaling! [lofi jazz] Mayroon pa akong mga kailangan gawin bago ang susunod na klase na magsisimula sa dalawang oras kaya't halina! [camera shutter] [tunog ng ukelele] [vocals] Isang dolyar (~P50) lang ok? Wag ninyo ako i-judge Wag niyo na din tanungin kung bakit kailangan ko bumili ng iced coffee sa ganitong panahon dahil hindi ko rin alam ang kasagutan. Wala sa atin ang may ligtas sa mga promo ng Mcdonald's. Kahit ako. [tunog ng ukelele at vocals] Unang beses ko susubukan ang iced coffee ng Mcdonald's. Wow, ang tamis. Pero masarap. Pero masyado matamis para sa akin. [jazz guitar] Kinulang ako ng oras para sa aking burger photoshoot Pero late na ako sa klase Kaya ito na [musika] Kamusta Nasa bahay na ko kaya hindi ko pwede sabihin na gusto ko umuwi pero bago ang COVID Nakakamiss ang mga coffee shop [boses ng guro] (Kaya't mayroon pang milyon-milyong mga tao na walang [hindi na marinig] [Deborah] Career [camera shutter] 6:30 na at may isa nalang akong meeting Malapit na matapos Dati naggagantsilyo ako noong 10 pa ako, pero ngayon binalikan ko dahil sa gantsilyo sa TIkTok, at maganda din sya para busy ang aking mga kamay, dahil kung hindi, hahanapin ko ang aking cellphone Kaya't nakaupo lang ako sa klase habang nagagantsilyo na parang lola. At masaya naman [tumatawa] [tumatawa] Gusto niya ng puso Takbo takbo takbo Ito ang aking hapunan Wag kayo mag-alala, naka off-cam ako [guro] [magaaral na nagtatanong; guro] [guro] [jazz guitar] [humihikab] Nasubukan niyo na ba na humikab ng grabe na naluha na kayo? [tumatawa] [suminghot] Natapos ko na din ang lahat ng dapat kong gawin para sa araw na ito At wala pang 11 Ang dami kong nagawa sa araw na ito Ang dami kong natapos Proud ako sa sarili ko [british accent] Medyo nagugutom na ako [balik sa dati] Kaya hahanap ako ng aking merienda Pero bago iyon [guitar riffs] Mahilig ako sa matatamis lalo na sa gabi Kaya kagabi nagfreeze ako ng ubas at iyon ang kinakain ko sa halip ng ice cream o iba pang matamis at masarap naman siya [camera] sobrang lamig! Anong ginagawa mo, Teddy? Pakisuap! @Kelly Stamps pwede ba tayo magdance collab [gitara] mag-art journal kasama ko habang nanonood ng haikyuu hehe sinimulan namin ng mga kaibigan ko itong art journal para pagpasa-pasahan habang nasa iba't-ibang kolehiyo para parang magkakasama pa rin kami gabi na, at matutulog na ako pero gusto ko lang magpasalamat sa pagnood Magandang umaga, araw, gabi, kung saan man kayo at hanggang sa muli! paalam!