Dito gagamitin natin ang repeat block upang
matulungan tayong i-save ang mga hakbang kapag na-program
ang artist natin. May ilang mga block na tayo
sa stage natin pero nandiyan lang sila upang
makapagsimula tayo. Upang i-loop ang mga block
ng apat na beses upang gumuhit ng buong parisukat, i-drag lang natin palabas
ang repeat block at ilagay ang sumulong at
lumiko sa kanan na mga block sa loob ng repeat block.
Kapag pinindot natin ang run, uulitin ng artist ang mga
hakbang na iyon ng apat na beses upang makumpleto ang parisukat.