Kung tatanungin mo ako, "Ano ang paborito mong video game na ginawa?" Sasabihin kong Cory in the House para sa Nintendo DS. Pero Hollow Knight ang kasunod nun Inilabas ng Team Cherry ang Hollow Knight nung 24 ng Pebrero, 2017, isang indie game studio Na nakabase sa mahiwagang lugar ngalang Adelaide, South Austraila. Sa huling tatlong taon, naging indie darling ang Hollow Knight. Ito'y nakabentang lagpas tatlo't kalahating milyong kopya't, naging opening game sa AGDQ 2019. Ang Hollow Knight ay may libro, linya ng plushies, kamiseta, nicotine patches, nuclear warheads, kahit vinyl records para sa lahat kayong mga pauso. Iisa lamang ang layunin ng Team Cherry sa paggawa ng Hollow Knight. Ninais nilang lumikha ng mundo na malaya ang player na mawala sa paglilibot. Kita natin ang hangad na ito sa disenyo ng Hollow Knight. Ang mga lebel sa Hollow Knight ay malalaki, may mga lihim at gantimpalang tago sa bawat sulok at bitak, mga makapangyarihang charms, special abilities, o kaya... Ang navigation system sa larong ito ay nangangailangan sa player na magtrabaho para sa mapa na magpipilit sa kanila na magkaroon ng malinaw na larawan ng mundo sa kaisipan. Ang talaawitan ni Christopher Larkin at sining ni Ari Gibson ay makikita rito, na lumilikha ng kapaligiran na hindi iiwanan ng player. Pero may isang aspeto ang Hollow Knight na umaakit sa mga taong tulad ko: Ang world building. Noong lumabas ang Super Metroid noong 1994, naiba ito dahil sa mapang-akit na hila nito. Pero noong 1994, 'di pa ako buhay, pero sapat na ang mga napanood ko na Youtube video essays para malaman na malaking bagay ang larong iyon. Kung 'di niyo alam, ang Super Metroid ay ang lolo ng lahat ng Metroidvanias. Kaya nga "MetroidVANIAs" ang tawag sa kanila Ngayon sa Super Metroid, may mga sandali na magpaparamdam ng lalim sa player. Bale yung pakiramdam na ang mundo na iyon ay nabubuhay sa labas ng mga kilos ni Samus doon. Sa silid bago ang diabetic na buwaya, makakakita si Samus ng bangkay ng isang sundalo. 'Di maiiba ang laro sa pagpatong sa kanya, pero nagbibigay ito ng pakiramdam sa player ng mangha sa mundong nililibutan nila. Sino kaya 'tong sundalo? Bakit siya naririto? Gusto kaya niya ang jazz? Malupet na nga na nakahanap tayo ng bangkay at mga basura diba? Sa Hollow Knight parehas lang din ang manyayari Isang dosenang beses pa nga. Sa world building nito, nagiging buhay na kaharian ang Hallownest sa Hollow Knight. Mararamdaman mo ang sinaunang kasaysayan nito sa mga sira-sirang istruktura o ang mga higante't baradong pintuan. 'Di mo mararamdaman na nilagay lang ito sa laro basta-basta, may katwiran ang lahat ng ito. Ngunit ang mga katwiran na iyon ay 'di madaling ibungkal. Ang kwento ng Hollow Knight as nababaon sa patong-patong na NPC dialogue, item description, lore tablets, at mga makabagong laman tulad nung Quirrel Comic at Fangamer's Wanderer's Journal. Nitong huling tatlong taon nakita natin ang matinding dami ng pananaliksik ng Hollow Knight community upang mabigyang kahulugan ang malawak na mundong ginawa ng Team Cherry. Nasa punto na nga tayo na naghahanap tayo ng mga palatandaan sa loob ng laro upang matukoy ang mga simbolo sa wika ng Hallownest. Sa video na ito, inaasahan kong bigyan kayo ng mahaba't detalyadong tingin sa mundo ng Hollow Knight. itatalakay ang kasaysayan at 'di tiyak na kinabukasan ng Hallownest. Kapag 'di naman ako abala sa paggawa ng tumpak na roster speculation videos ng Super Smash Brothers. o kaya mga maalam na podcasts ukol sa mga paksa tulad ng Donkey Kong Country television series, o kung ano pa ba dapat ito, madalas mga Hollow Knight videos ang ginagawa ko. Bagamat dalubhasa na ako sa lore ng Hollow Knight, 'di ko kayang tiyakin na ang bawat teorya't palagay na itatalakay sa video na ito ay tama. Lubos kong bilin sainyo na suriin ang lore section ng Hollow Knight wiki, kung nais niyo pa ng mainam na pagtalakay ng lore. Pero kung tamad kang magbasa, puwes maupo ka lang, mag-order ng Domino's pizza o kaya kumuha ng tipak ng keso sa ref, at ikatuwa ang halos buong lore ng Hollow Knight. Simpleng katunayan sa buhay na bawat tao ay sumasamba sa diyos, maging teknolohiya, kaisipan, o sa mga bihirang kaso, sa Panginoon. Sa kinalabasan, ang mga bug sa Hallownest ay gumagana sa parehong paraan. Mula sa mga mosskin na isinilang mula sa panaginip ng isang higanteng slug, sa mga emo kids ng Ancient Civilization na sumamba sa kadiliman, walang kakulangan sa pagsasamba sa mundo ng Hollow Knight. Nagsisimula ang ating kwento sa isang nilalang na nararapat sambahin; isang nilalang naisilang mula sa bangkay ng isang Wyrm. Ang bangkay ay mahahanap parin sa Kingdom's Edge at iyon lang ang basehan natin sa kung ano talaga ang itsura ng Wyrm. Sa panahon na nagaganap ang Hollow Knight, inimungkahi na walang natirang Wyrms sa mundo. Sila'y mga napakamahabang nilalang na walang mga paa't kamay. Isa pang nakakatakang katangian nito ay mayroon silang uri ng prescience o foresight. Sa madaling salita, may kakayahan silang makita ang kinabukasan. 'Di malinaw gaano kabisa ang kakayahan na iyon. Alam natin na ang buong lahi nila'y namatay, baka yung foresight nila'y napaka- shit. Balik tayo sa bangkay ng Wyrm, pinaliwanag na ang Wyrm na ito ay lumakbay sa kabila ng mga malalayong bundok at kaparangan lampas pa ng Hallownest. Pagdating nito sa Hallownest, ay namatay. Pero di talaga. Sa loob ng sikmura ng bangkay nito ay may sirang maputlang itlog, kung saan lumabas ang bagong anyo ng Wyrm, isang nilalang na may manipis na balat. Ang anyo ng Wyrm na ito ay kinilala bilang ang Pale King, at siya ang tauhan na may kagagawan ng lahat ng nangyayari sa Hollow Knight. Ang Pale King ay isang nakatataas na katauhan, ang tipong nilalang na nakatataas sa lahat. Sinasabing ang katawan niya'y nagniningning ng nakaksilaw na imahe na nakakasakit sa natingin sa kanya. Ang tunay na layunin ng Pale King ay nahahanay sa rin sa layunin ng ibang Wyrms. Isang linya galing sa mahiwagang Mister Mushroom ay: ...HInihila nila ang mga insekto sa mga kamay, hanggang magdaan na ang kaharia'y mamatay, Sa ibang salita, ito'y likas na katangian nila. Mga aso'y nilalaro ang buntot, mga pusa'y nagbabaon ng tae, at mga Wyrm na humihila ng mga bugs sa kanilang kamay upang makabuo ng kaharian at kabihasnan. At dito sa sulok ng mundo, ang Pale King ay nabuhay mula sa sariling bangkay at nagsimulang likhain ang Hallownest, ang kanyang magpakailanmang kaharian. May isang maliit na problema lang. May...mga taong nakatira na doon. Sa lugar na balang araw ay magiging Hallownest ay puno na ng mga mantis, bubuyog, gamugamo, gagamba, kabute, at talahib cosplayers. Bawat pangkat nito ay may sari-sariling mga kultura't lipunan, at bawat isa ay may iba't-ibang ugnayan sa Pale King. Isa sa mga mas bukas sa pagdating ng Pale King ay ang mga kabute mula sa Fungal Wastes. Ang mga nilalang na ito ay kayang mag-usap sa isa't-isa dahil sa shared mind nila. Malakas ang tingin ng mga kabute sa kanilang shared mind, at sila'y mayabang tungkol doon. Sa huli, tinganggap ng mga kabute na mapailalim sa Pale King, dahil tingin nila na maipapagtanggol sila ng foresight niya mula sa panganib. Isa pang nakatira sa Fungal Wastes ay ang Mantis Tribe. Mayaman ang kultura't kasaysayan nila na lumilipas pa lagpas ba sa kapanganakan ng Hallownest. Marilag ang tribo ng mga mantis, naniniwala sa pagpapakita ng sariling lakas ng katawan. Mabagsik ang mga mantis sa kanilang lugar, pero magpapakita ng paggalang sa mga may dakilang kapangyarihan Ang pinuno ng mga mahilig mag-Fight Club na ito, ay ang apat na malakas na Mantis Lords na nakaupo lang naghihintay na may dayuhan na maghamon sa kanila. Walang hangad ang Mantis Tribe sa kaharian ng Pale King, pero sila ay may kasunduan. Kapalit ng kanilang kasarinlan sa Hallownest, ang Mantis Tribe ang pipigil sa pagpasok ng mga halimaw ng Deepnest sa Hollownest. 'Di ako tiyak kung bakit 'di nalang sila pumasol sa ibang labasan ng Deepnest, pero 'di naman ako dalubhasa sa hangganan. 'di naman na ako nagtatrabaho sa ICE. Lumipat naman tayo sa Deepnest. Mabuti naman na maraming tribo ng Hallownest ay nag-iwan ng mga lore tablets na nagtalakay ng halos lahat ng kailangan natin malaman ukol sa kanila. Subalit ;di ito ginawa ng mga bugs ng Deepnest. Alam natin na ang mga gagamba ng Deepnest ay may monarkiya, dahil bakit hindi. Mabuti naman iyon, 'di ba? At saka pala sa loob ng Deepnest ay may hiwalay ng pangkat ng gagamba na pumasok sa Deepnest balang araw. Ang pangkat na ito ang nagngalang Weavers, at sila'y nagtatag ng sariling kultura't kasaysayan sa Deepnest. Gumamit sila ng habihan ng sutla upang maghabi ng kwento, spells at shields. Isang bagay na tiyak tayo tungkol sa Deepnest ay wala talaga silang ginustong gawin sa Hallownest. Ang matinding alitan ng ugnayan ng Deepnest at Hallownest ay nakita sa paglipas ng oras, pero ngayon, parang nakabukod ang dalawa sa isa't-isa. Isa pang pangkat ay ang mga nasa Greenpath Ayon sa mga kaalaman natin, ang mga kabute, mantis, at gagamba ng Deepnest ay hindi sumamba ng Nakatataas na nilalang. Mayroong higanteng bangkay ng kabute sa Fungal Core, pero sa tingin ko 'di ito Mataas na nilalang. Sino bang gusto sumamba ng matabang kabute? Matabang slug? Iyon ang malupet. Ang lupaing kilala natin bilang Greenpath ay nilikha ng mataas na nilalang na si Unn. Ginamit niya ang kanyang dakilang isip para lagyan ng halaman ng Greenpath sa noo'y wala. Ang kanyang mga alagad, ang mga Mosskin, ay naisilang rin mula sa kanya, siya ang tagapaglikha. Ang laki ng Greenpath ay mas mataas pa noon kaysa sa nakikita natin sa laro ngayon. Noon, ang lawak ng Greenpath ay umaabot sa kung ano ngayon ang Queen's Garden at kahit sa Fog Canyon. Ang mga mamamayan ng Greenpath ay nakikita bilang isang maunlad na lipunan. Nagtayo sila ng templo sa Lake of Unn para masamba nila siya, at mayroon din silang sariling mga pananggol, mga Moss Knights na marunong sa laban, gamit ang nails at shells bilang armas. Ang batas ni Unn ay nagtuloy kahit sa paglipas ng Pale King, pero nakikita na pinayagan nila ang Pale King na magtatag ng mga daanan sa lupain nila para itungo ang mga dayuhan sa puso ng Hallownest, kung kaya't Greenpath ang ngalan nito. Pinag-isipan talaga ng Team Cherry ang pangalan nito noh, oo? Sunod ay ang mga bubuyog. Kahit na walang lore kung papaanong kaya nila maging tanginang barena, o paano nila kayang 'di pansinin ang batas ng paglipad, alam natin paano sila umasal sa Pale King. Ang mga bugs na ito ay nagpasyang isara ang pugad nila sa mundo, na may ilang tanod na lumalabas pasok sa pugad. Ayun, walang kwenta ang mga bubuyog. sa kwento na ito. At sa huli'y ang tribo ng gamugamo. Sa laro, ang iisang tirahan nila ay sa Resting Grounds, pero maaring sa Crystal Peak din noon. Alam naman natin na sa totoong buhay ay kupal ang mga gamugamo. Pero medyo komplikado ang mga gamugamo sa Hollow Knight. Ang lahi ng mga gamugamo ay sinasabing payapa, na kaunti lamang ang gumagamit ng mga armas. Sa panahon ng paghahari ng Pale King, ang mga gamugamo ay sumaliksik sa mga panaginip ng mga patay, ang halaga ng pag-aalala sa mga pumanaw, pati ang pag-aaral ng paghuhugis ng kanilang panaginip. Tulad sa Mosskin, ang tribo ng mga gamugamo ay nagmula sa nakakataas na nilalang ngalang The Radiance. Sinasabi na ang The Radiance ay ilaw kung saan ang mga gamugamu ay nadarang Bale siya'y isang higanteng lampara sa kanila. Isang mahalagang aspeto ng The Radiance ay ang kaugnayan nito sa mga panaginip at sa Essence. Ang Essence ay ang mga natitirang hiling at panaginip, na nakikita sa laro bilang catcher particle effects. Ang Essence ay kayang mag-anyo bilang Whispering Roots o mga panaginip ng multo, na mga alaala na umuugat sa mundo. Ang Radiance ay isang nilalang na binubuo ng Essence, pero 'di lang siya ang iisang nilalang na naglalabas ng Essence. Si Unn ay may berdeng particles, ang Pale King ay may gray particles, at itong malibog na to na si Grimm ay pulang particles. Gayunman, ang Radiance ang lumalabas bilang ang pangunahing diyos ng panaginip, kahit na na may ibang mga diyos sa Dream Realm. Balik sa tribo ng gamugamo, ang kanilang uganayan sa Pale King ang kailangan natin talakayin. Sa kabuuan, tinalikuran ng mga gamugamo ang Radiance upang sambahin ang bagong ilaw na lumitaw, ang ilaw ng Pale King. Kaya ayun, kupal din ang mga gamugamo. Dahil sa pagtalikod nila sa Radiance, ito'y naging nalimot na alaala, isang butil ng kahapon, at bagay na talagang hindi babalik mamaya sa video na ito. At sa gayun, ang bagong kaharian ng Pale King ay naitatag: Hallownest. Pero may isang aspeto ang Hallownest na kailangang talakayin. Sa kasamaang-palad, para unawain iyon kailangan natin magbasa ng mga tula. Ibayo ng kagubatan ngalan mo'y nabigkas ng may pagsisi't pagsamba, Pagka't walang kayang umamo samin ngunit sayo ang hamon kinaya Sa ilalim ng puting bantay, ika'y nagturo, kami'y nagbago, mga ugali'y natubos Mundo'y binigay mo sa insekto't halimaw na 'di nila pinangarap mahaplos Ito'y mula sa tula ngalang Elehiya para sa Hallownest, na sinulat ni Monomon the Teacher. Ito ay lumilitaw sa umpisa ng bawat playthrough, nagpapahiwatig sa Pale King at ang alok ng kaharian niya. Madalas na wasteland ang mga lupain sa labas ng Hallownest, kung saan nabubuhay ang mga bug gamit ang instinct, 'di isip. Naturuan ng Hallownest ang mga bugs, at napaamo ang mabngis nilang ugali. Bale pinalitan ng Pale King ang mga ugali ng mga tao at binigyan sila ng mataas na kaisipan. Para maunawaan natin ito, tignan natin ito magkaibang tauhan na sila Boon at Tuk. Itong mga adorable panda bugs ay pinapakita ang epekto ng Hallownest. Kahit silang dalawa'y mula sa iisang uri ng bug, si Boon ay 'sing tanga ng mga bato, hirap bumuo ng mga salita, habang si Tuk ay maayos magsalita. Ang pangunahing pagkakaiba nitong dalawa'y si Boon ay nakatra sa labas ng Hallownest, Si Tuk ay sa ilalim ng kapital ng siyudad. Bale, lumalabas na ang Hollownest ay isang banal na lupaing nagbibigay ng katalinuhan sa mga mamamayan nito. Itinatag ng Pale King ang daanan mula sa pasukan ng kaharian sa King's Pass lumiliko sa Greenpath at sa Fungal Wastes, at muling natatapos sa malaking kabisera sa puso ng Hallownest. Alam natin na ang kabisera ay ang City of Tears, pero maaaring hindi ito ang unang ngalan nito. Ang ulan na nahuhulog sa siyudad mula sa Blue Lake sa itaas ay nagsimula noong bumagsak ang kaharian. Maliban nalang kung pinangalan ang kabisera ng isang edgy na mag-aaral ng panitikan, ang ngalang City of Tears ay walang katuturan. Ang layunin ng hari para sa lahat nito'y maaaring ang hangad niyang sambahin. Pinaniwalaan ng mga mamamayan ng Hallownest na ang Pale King ang gumawa ng mundo't lahat ng naroon. Mga altar ng hari ay nahahanap na nakakalat sa buong kaharian, at ang mga King's Idol ay nilikha't kinalat sa mga alagad ng Hari. Sa kabila ng pagsamba, hiniwalay ng Pale King ang sarili niya sa mga alagad niya, para itago ang kanyang dungis. Kung titignan mo ang laki ng tunay na Pale King sa rebulto niya sa Ancient Basin, siya'y labis na may tinutumbasan. Ang White Palace ng Pale King ay tinayo sa ilalim ng siyudad, hinihiwalay pa siya mula sa mga alagad niya. Kasabay nito, ang may kapangyarihan ay nilalayuan sa Hallownest, ngunit 'di natin alam kung ito'y kagagawan ng Pale King Ang Lifeblood ay isang bughaw na sangkap na nag-iiwan ng sariwang pakiramdam sa uminom nito. Subalit, ang paggamit ng Lifeblood ay binabawal, at ang gumamit nito ay kinilala bilang erehe. Ang paggamit ng diwa sa laban ay pinagbawal din. Ang diwa'y isang lifeforce sa Hollow Knight na bumubuhay sa katawan ng mga nilalang. Pero may ibang mga tauhan na kayang kontrolin ang diwa ng iba't tumawag ng multong malakas. Pero bukod sa iilang tauhan, walang iba sa Hallownest ang may kakayahan na iyon. Subalit, 'di nag-iisa ang Pale King sa pamamahala sa Hallownest. May isa pang nakatataas na nilalang nahalo, na kinilala sa ngalang White Lady. Ang White Lady ay tila ugat na nilalang na makikita sa kasalukuyan sa Queen's Gardens. Siya'y napapaloob sa isang cocoon, at kaunti lang kaalaman natin sa kanya. Sa pagsasaysay na nakuha natin sa Pale King, halos wala tayong alam sa White Lady. Pero ang alam nati'y mahilig siyang magpaanak....ng marami. Madalas bumabalik ang Whute Lady sa Queen's Gardens, isang lugar na kontrolado ng mga Mosskin. Kung paano man siya lumakad at lumibot ay isang malalim na katanungan na 'di kaya ng aking talino. Ang White Lady ay kinilala bilang isang maputlang nilalang tulad ng Pale King. Ano ang Maputlang Nilalang? 'DI natin talaga tiyak na alam, pero lumalabas na mas kilala sila at mas malakas kaysa sa ibang mga nakatatas na nilalang. Alam kong medyo nakakalito ito, kaya gagamit tayo ng halimbawa. Ang mga karaniwang nakataas na nilalang ay tila TP-Link Archer C7 AC1750 Wireless Dual Band Gigabit Router, at ang maputlang nilalang ay tila Asus RT-AX88U AX6000 Dual-Band 8x Gigabit Wifi Router. Sa ilalim ng Pale King, ang Hallownest ay nagkaroon ng industrial revolution. IpInatayo niya ang mga Stagways, na ginagamit sa paghahatid ng mga pasahero at kalakal. Ang Forgotten Crossroads at Storerooms sa itaas ng City of Tears ay ginagamit sa pagtatabi ng kalakal na lumalakbay sa Stagways. Ipinatayo rin ng hari ang mga Tramways, dahil walang taong ligtas sa panganib ng automation. Isang tram ay tinayo sa gitna ng Forgotten Crossroads at ng Resting Grounds. Isa pang tram ay tinayo sa Kingdom's Edge, pupuntang Ancient Basin, ta's sa Deepnest. May isa pang tram na sinimulan sa Deepnest na nagtangkang lumalim sa Deepnest. 'di ko lang alam kung paano iyon mahalaga sa bugs ng Hallownest, pero ewan. Matalino ang Pale King, kaya 'di ko pagdududahan ang pasya niya. Pero ang matalinong plano ng Pale King na magpatayo ng tram sa Deepnest ay natapos sa pagkamatay ng mga manggagawa. Tinanggihan ng bugs ng Deepnest ang pagtangka ng Pale King magtatag ng tram sa lupain nila, labis na pinapatibay ang mahinang ugnayanng dalawang pangkat. Bukod sa madaliang fast travel, ang karaniwang daanan ay ginamit sa pagkalakal sa kaharian. Nagmula dito ang maaaring isa sa mga pinakamahalagang pangkat sa Hallownest at kahit sa lahat ng fiction. Isang tagong samahan ng bugs kilala bilang menderbugs na nag-aayos ng mga palatandaang nakakalat sa Hallownest. Mula sa isang journal entry ng isang Menderbug, makakakita tayo sa kanyang luma't lihim na isip. Mahal kong DIary, 'Di ba't magandang bagay ang buhay. Nag-aayos ng mga poste't palatandaan, sirain nila sige pa! Humuhusay lang ako sa mga inaayos ko. Minsa'y may duda ako na ni isang bug sa Hallownest ay mas masaya kaysa sa akin. Isa pang halimbawa ng pagpapalawak ng Pale King ay sa Crystal Peak. Ang lupaing iyon ay puno ng mga crystal na bumubuo sa bawat sulok nito, pati rin sa katawan ng ilang bug. Itong mga crystal ay itinuring mahalaga sa mga bug ng Hallownest, na bumunga ng malakihang pagmimina. "di natin nakikita gamitin ang mga crystal saan man sa Hallownest, pero ito ay sinasabing naglalaman ng energy. Ang mga crystal ay sinasabing kumakanta kung makikinig kang maayos. ♫ Kakaibang mala-anghel na pagkanta ♫ Pagdating sa militar, ang unang pangtanggol ng Hallownest ay isang pangkat na kilala bilang the Five Great Knights. Ang mga kasapi ng kilalang pangkat ay sina Ogrim, Hegemol, Ze’mer, Dryya, and Isma. Sa kanilang halaga, karamihan ng kaalaman ukol sa kanila ay naglaho sa panahon. Si Ogrim ang Knight na marami tayong alam, dahil isa siya sa mga buhay pang knight sa pangyayayri sa laro. Si Orgim ay nagpakita ng labis na katapatan para sa Hari, at baka mayroon nangyayari sa kanila ni Isma. Pero 'di natin alam. Si Hegemol ay kilala para sa kanyang pagpapatawa at mahinhin na boses. Pero kasabay nito, siya'y dummy thicc. Si Mysterious Ze'mer ay dumating sa Hallownest mula sa payapang pook, dala ang koleksyon ng delicate flowers. Sa isang punto, siya'y nasa isang relasyon kasama ang isang mantis, na "di karaniwan, ang anak ng isa sa mga Mantis Lords. Ayun, mukhang ilan sa mga Great Knights ay magagaling sa maraming paraan. Lahat ng alam natin ukol kay Drya ay matindi, mapagmalasakit at matalino siya. Para kay Isma, kilala siya bilang mabait. Makikita din siya bilang isang mala-halaman na hugis, pero wala na tayong alam kung saan siya galing o ang kapangyarihan niya.