Anong inilalagay mo sa katawan mo? Bangkay, patay na hayop, sakit, pagdurusa, takot.
Maari bang pumunta ang mga vegan doon sa parteng may ilaw?
At ang mga hindi vegan sa bandang 'yon.
Unang salaysay:
Ang panlasa ay gumaganap ng isang malaking papel sa pagpili ko ng aking mga kakainin.
Oo, para sa akin. Sa tingin ko ay isa 'yan sa aking mga kahinaan.
Mantikilya, asin ay dalawa sa mga kahinaan ko.
[Aubrey] Mahal ko ang pagkain (tumawa)
At sa tingin ko, ang relasyon ko sa pagkain ay mas lumalim pa nung naging vegan ako.
Sa'kin, parehas lang yung pagpapahalaga ko sa pagkain kumpara nung bago ako naging vegan.
Ang pangalan ko ay Aubrey Davis at naging vegetarian ako sa loob ng dalawampu't apat na taon
at vegan ng labintatlong taon.
Naniniwala ako na ang mga tao ay nasa tuktok ng food chain.
Ang tao ba ay nasa parehas na lebel o katumbas ng- ng isda?
Marahil ito ang malaking dahilan kaya hindi na ako vegan. Hindi ko nakikita na kailangan kong
makita ang sarili ko na katumbas ng isang isda at magkaroon ng mga moral na katanungan,
alam mo yung, "Bakit kailangan nating magkaroon ng alagang aso kesa kainin ang aso?"
At sa tingin ko, ang pinakaimportante na tanong ay, "Bakit kailangan kong mahalin ang aking kapitbahay..
...kesa kainin ko siya?"
Ang pangalan ko ay Steve Micelski, naging vegan ako sa loob ng isang taon, naging vegetarian ako..
..sa loob ng dalawang taon. Kumakain ako ng karne ngayon, ganun ako ng higit limang taon.
Parang 'di ko nakikita ano ba yung food chain? Alam mo 'yun?
Para lang siyang isang kontrata na ginawa ng isang tao at nilagyan ng diagram at..
nilagay tayong mga tao sa pinakamataas na lebel.
'Di ko iniisip na tanong yun kung tayo ba dapat ang nasa taas.
Sa tingin ko, ang tanong ay "Anong gagawin mo dyan kung may mas alam ka kesa sa hayop
Anong gagawin mo sa ganyang kakayahan? Pipiliin mo bang kumitil ng buhay?
O pipiliin mong mamuhay sa pag-ibig?
Mas nag-iisip ako sa mga kakainin ko.
Ang paraan sa pagsuporta ko sa aking katawan at kalusugan ay napakaimportante.
'Di ako nakakakilos ng maayos.
Alinman sa kalusugan, produktibo, matibay sa emosyon, o nakakapag-isip ng maayos.
Maliban na lang kung meron akon sapat na nutrisyon sa aking diyeta.
Anim na taon ang nakakaraan, naging vegan ako dahil ako'y nagkasakit.
Napagtanto ko na ang aking kalusugan ay direkta na nakakonekta sa kung ano man ang kinakain ko.
simula nun, sinuportahan ako ng aking mga kaibigan at pamilya
at mas maginhawa ang pakiramdam ko
at mas naging mabuti ang kalagayan ko kesa nung nagkasakit ako.