Kapag gumamit ka ng repeat block upang i-loop ang code mo
paano malalaman ng computer na ito ay inuulit-ulit
sa sapat na beses? Ang repeat block ay talagang
nagtatago ng mas sopistikadong piraso ng code
na tinatawag na for loop na binibilang mula sa panimulang halaga
hanggang sa isang pagtatapos na halaga sa pamamagitan n tiyak na
pagtaas. Halimbawa, ang paulit-ulit na tatlong block ay
binibilang mula 1 hanggang 3 sa pamamagitan ng 1. Sa tuwing binibilang ito,
pinapatakbo nito ang code sa loob ng loop. Alam ng for loop kung
ilang beses na itong tumakbo sa pamamagitan ng paggamit
ng counter variable na itinakda sa
panimulang halaga sa simula ng loop at may
pagtaas na idinagdag dito sa bawat beses na
pinatatakbo ang loop. Sa sandaling ang counter variable ay
mas malaki kaysa sa pangwakas na halaga hihinto sa pagtakbo ang loop.
Ang pakinabang ng paggamit ng tunay na for loop
sa halip na ang repeat block ay makikita
mo talaga ang counter variable at gamitin
ito sa loop mo.