Ang if-else statement ay isang desisyon sa pagitan ng dalawang bagay. Halimbawa, IF si Scrat ang squirrel
ay nahanap ang acorn, siya ay masaya. ELSE siya ay malungkot, at ipagpapatuloy ang paghahanap. Ngayon tingnan natin kung paano
Maaaring gumamit ng isang if-else statement sa ating kaibigan na si Scrat. Ang block na ito ay katulad ng "if"
block, ngunit may dagdag na bahagi sa ibaba na may nakasulat na "else". Kung inilagay ko ang isang "move forward"
block kung saan sinasabi nito na "do" at "turn left" block kung saan sinasabi nito na "else", ibig sabihin si Scrat
ang squirrel ay didiretso kung mayroong madadaanan. Kung walang madadaanan
si Scrat ay pupunta sa kaliwa. Gumagawa ito ng desisyon habang ginagawa ang isa sa dalawang action base sa
desisyon na iyon. At tulad ng "if" block, maaari kang maglagay ng "if-else" block sa loob ng "repeat"
block. At ngayon, tulungan natin si Scrat ang squirrel na makuha ang acorn!